"Wow! Malaki nga! Para ka talagang prinsesa, Hans." Turan niya pa.

"Kuya palitan mo ng yang suot mo. Your dick is sticking out." Natatawa pang turan ni Chance kay Xandro bago ako makarating sa drawers ko.

"Shut up, Chance. Sisipain kita." Balik naman ni Xandro sa kanya na kinatawa ko.

Mabilis kong binuksan yung drawer at laking gulat ko nang bumungad sa akin agad yung mga susi na hindi ko naman nakita kagabi. Ang weird. Kinuha ko na lang at lumapit ulit sa kanila at inabot.

"Ayan na lahat ng susi ng kwarto. May label naman bawat keys." Nakangiti kong turan bago mapatingin kay Xandro na kalalabas lang ng banyo.

Nagpalit na ng damit at panjama. Pero naka-sweat pants naman siya ngayon at black sando.

"Mani-mani lang sa amin 'to." Turan ni Chance habang nakangiti.

"Sige na. Maglilinis na kami. Babush!" Agad naman turan ni Dery at sunod-sunod silang lumabas nila Danny.

Naiwan na lang kaming dalawa ni Xandro dito sa loob. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti.

"Maglinis na rin tayo." Natatawa niyang bulong na kinatawa ko rin bago tumango.







    NAPAHIGA na lang ako sa kama pagkatapos kong palitan yung bed sheets, pillow cases, yung mga kurtina. Nakakapagod pala talaga. Si Xandro naman, nagva-vaccuum tapos nilinis niya rin yung banyo. Hindi naman madumi yung banyo ko kaya okay lang. Hahaha. Mas malinis pa yata 'yon kesa dito sa labas.

"Itapon na natin 'to?" Turan ni Xandro na nagpatayo sa akin mula sa pagkakahiga at agad siyang tinignan.

Hawak niya yung isang kahon na puno ng mga skin care ko na walang laman. Ang dami pala. Hahaha. Grabe, hindi ko alam kung magkano ginastos ko sa lahat ng yan.

"Sige. Itapon na natin. Wala na rin mga laman yan eh!" Natatawang sagot ko sa kanya na nginitian niya lang bago ilabas yung kahon sa labas ng kwarto.

"Okay na yung bathroom, next na ba natin yung walk-in-closet mo?" Tanong niya agad pagkapasok.

"Oo. Hindi naman gaanong makalat doon. Hindi lang nakatupi yung ilang damit ko." Natatawa kong saad bago maglakad papunta sa walk-in-closet at pumasok.

Kasing laki niya yung bathroom at hanging rack lahat ng nakapalibot tapos may isang cabinet. Puno lahat yan. Grabe nga, yung iba hindi ko na naisusuot. Tapos sa may gitna, may cabinet pa pero glass yung materials lalo na sa itaas kasi doon nakalagay yung mga jewelries ko. Sa ilalim naman, ilang mga bags ko at yung mga sapatos. Mas marami yung sapatos kesa sa bags.

"Woah… Para kang may pawnshop dito." Bulong ni Xandro na kinatawa ko habang nakatitig sa mga jewelries ko.

"Small portion nyan, kay mommy. Tapos yung iba, dinala niya. Kay daddy naman, yung mga relo niya, dinala niya rin." Paliwanag ko at tinuro ko yung nakahiwalay na jewelries.

Hindi ko naman maiwasang malungkot dahil dinala nila yung pinakamahal na alahas nila tapos iniwan sa akin pareho yung wedding ring nila.

"Bakit hindi mo ibenta yung sa kanya? Lagi ka na lang nalulungkot kapag nakikita mo. Hindi naman masama na putulin mo lahat ng pwedeng magpaalala sa kanila na magpapalungkot sayo. And, makakatulong 'to doon sa iniwan nilang problema." Mahabang turan ni Xandro.

"Binili ba nila lahat 'to sayo?" Tanong miya sabay tingin sa akin na inilingan ko.

"I bought them by myself. Pero pera nila." Natatawang sagot ko.

𝐀𝐜𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐬𝐞𝐝 (𝐌𝐲 𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 #𝟏)Where stories live. Discover now