Agad naman niyang binitawan yung phone niya at umiling.

"Nako Danny boy, simula lang yang mga ngiti na yan!" Pang-aasar ni Chance sabay tawa nila ni Dery.

"Kahapon ko pa nakikita na busy ka lagi sa phone mo. Hoy, hindi ka naman siguro magpapakatanga ulit ngayon ano?"

Ang last ex niya kasi, niloko lang siya. Kung hindi ko pa nalaman, hindi niya sasabihin sa akin at kukunsintihin yung ex niya. Binibigay niya na nga lahat ng luho tapos ganon pa. Ayon, inaway ko. Hindi na talaga bumalik pa.

"Magpakatanga ka kung kasing ganda ni Hans." Turan ni Dery na kinatawa ko.

"Sabagay. Hindi ba kuya Chase?" Dugtong naman ni Chance na pinagtaka ko habang nakatingin kay Xandro.

"H-ha? Oo naman." Agad niyang sagot.

Tumawa naman si Dery at Chance pagkatapos nilang magkatinginan. Hindi ko sila masabayan sa trip nila. Grabe.

"He's a boy." Bulong ni Danny na kinatingin namin lahat sa kanya.

"Ha?" Bulong ko.

"Hindi ako sa babae magpapaloko ngayon." Turan niya ulit sabay subo ng pandesal.

Ilang segundo pa bago ma-process ng utak ko yung sinasabi ni Danny.

"Hoy Danny, wala naman akong problema kahit aso pa ang jowain mo. Basta ang concern ko lang dito, hindi ka maloko." Seryoso kong saad.

"Tama. Tama. Wala naman kaso kung sa lalaki ka magkagusto. Hindi ba Chase?" Sabat naman ni Dery at tumingin na naman kay Xandro.

"Saksakin kita, gusto mo?" Bulong naman ni Xandro kay Dery.

"So sino ba yan? Ipakilala mo sa akin." Turan ko.

Kinuha niya muli yung phone na nakapatong sa mesa at hinarap sa akin. Pinagmasdan ko naman nang mabuti yung picture. Ang cute-cute niya.

"Ang cute!" Hindi ko maiwasang saad.

"Ipapakilala kita kapag nagkita na kami." Nakangiti niyang turan na sinuklian ko rin ng ngiti.

Sana hindi na siya lokohin, Lord. Parang awa mo na. H'wag mo na ipaloko ang Danny boy ko.

"Hans? Ano pa lang lilinisin namin?" Tanong naman ni Dery.

"Yung mga rooms sa taas. Ang dami kasi eh. May tatlong guest room, isang library, isang family room, at yung living room. Ako na bahala sa master's bedroom. Sa akin kwarto yon eh. Hehe." Paliwanag ko na tinanguan nila sabay thumbs up.

"May mga gamit ba?" Sunod na tanong ni Chance.

"Yes, may mga vacuums ako. Tatlo. Nandoon sa maid's quarter." Turo ko sa isang room na connected dito sa kusina.

Yes, still good ang mga appliances ko. Alagang-alaga sila kasi I know na kapag nasira sila, melanyos ang gagamitin bago pa ako makabili ulit.

"Samahan ko na lang si Dawi sa master's bedroom. It's huge, baka mahirapan siya." Turan naman ni Xandro.

"How did you know? Doon ka ba natulog?" Tanong naman ni Dery.

"Oo. Hindi ko makita yung mga susi ng guest room. Oo nga pala! Hahanapin ko muna." Natatawa kong turan sa kanila.

"Sama na kami!" Turan ni Dery sabay tayo.

Wala naman akong nagawa kundi isama sila hanggang sa itaas. Binuksan ko yung kwarto at pumasok kasunod ko si Dery.

Accidentally Obsessed Where stories live. Discover now