"Wow leigh galing mo naman sumayaw!" Manghang sabi sakin ni dianne. Mas ginanahan pa tuloy akong sumayaw.

"Pero huwag masyadong wild leigh baka pag pyestahan ka ng mga lalake dito" bulong niya saken

"Huh? Pano mo nasabi?" Hingal king sabi

"Tumingin ka kaya sa paligid mo"

Umikot ako at nagulat ako na halos ng mga tao ay nakatingin sa amin. Bigla akong nahiya.

"Teh, maganda ka na hindi mo kailangan mang-akit pa. Isang kindat mo lang sa mga yan luluhod yan sa harapan mo" at tumawa siya ng nakakaloko

"Grabe ka naman" nahihiya kong sabi

"Teka lang naiihi ako. Jan ka lang muna ha. Babalikan kita" at agad siyang tumakbo paalis. Ihing-ihi nga siguro siya. Hindi pa man din ako nakakasayaw ulit biglang nag flash back lahat ng mga nangyare kanina. Hindi ko magawang gumalaw, bigla akong nawalan ng gana sumayaw. The second thing I know is I'm already crying. Babalik sana ako sa table namin kaso puno na, nandoon na ang mga kasama namin kanina at ayokong makita nila akong umiiyak kaya hindi nalang ako umalis dito sa gitna.

Sa gitna ng mga taong nagsasaywan, heto at mag-isa akong nakatayo habang umiiyak.

"Wala akong kwentang anak" sabi ko sa sarili. Naalala ang sinabi sa akin ni mama kanina

"Wala akong kwentang anak" ulit ko ulit habang bumubuhos ang aking luha nang may maramdaman akong humawak sa  bewang ko mula sa aking likuran.

"Why is my baby crying?" I heard a deep man's voice at my back.

Napahinto ako sa pag-iyak at hinarap kung sino man ang nasa likod ko.

"S-sino ka?" I asked with my blurry vision. Matangkad siya at may malapad na balikat. Medyo hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa ilaw sa loob ng bar.

Hindi niya ako sinagot at imbes ay lumapit sya sa mukha ko at hinawakan ang kabila kong pisngi. Doon ko nakita nang maayos ang kaniyang mukha.

Shit, ang gwapo!

"You're so beautiful" he gently massage my left cheek while looking into my eyes intently. Artista ba to? O model? Ang gwapo talaga eh, yawa! Ang kapal ng kilay tas sobrang tangos ng ilong, tas yung lintik na labi niya sobrang pula at mukhang malambot. Gusto kong halikan! Naka undercuy siya pero medyo mahaba yung buhok sa harap. Mas lalo siyang naging hot.

"S-sobrang gwapo mo din" nauutal kong sabi.

Ba't sinabi ko yun?! Hindi na talaga ako maglalasing next time.

Nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya sala dinilaan ang ibabang labi niya.

"So, you like me?" Tanong niya saken

Wala sa sarili akong tumango.

A twinkle glint in his eyes appeared

"You wanna come with me?"

"Saan naman?" Napapikit ako dahil nakaramdam ako ng hilo. Gusto kong humiga, gusto kong matulog.

"In my place" he winked at me saka hinawakan niya ako sa braso.

"Dito lang ako" napapikit ulit ako sa sakit ng ulo

"You look tired. You should rest" bulong niya sa malumanay na boses. Oo, at gusto ko na talagang matulog. Hindi na niya ako hinintay sumagot. Hinila na niya ako palabas ng bar. Hindi na ako umaangal dahil ang sama ng pakiramdam ko.

Nakatulog ako sa byahe. Nagising nalang ako ng nasa loob na kami ng kanyang condo? Buhat buhat niya pa ng idilat ko ang mga mata ko.

"Nasaan tayo?" Nagtataka kong tanong ng ibaba niya ako

Sinful DesiresWhere stories live. Discover now