**

Nang-malaman ni Iñigo na nag-check-out na sila Cassandra kagabi, umuwi na rin siya, sinama na rin niya at hinatid si Martina sa bahay nito. Halos wala din sila nitong imikan habang nasa byahe, pero pag hatid niya dito at bago ito bumaba sa sasakyan niya, humingi naman ng tawad sa kanya si Martina at tinananggap naman niya ang pag-hingi nito ng tawad. Nasabi na rin nito sa kanya kung paano nito nalaman ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Cassandra noon.

Tuloy-tuloy na naglalakad si Inigo sa pasilyo ng building nila, diretso ito sa opisina ni Mathew, ngiti lang ang sinagot niya sa secretary ni Mathew na bumati sa kanya, pumasok siyang hindi kumakatok sa opisina nito at pabagsak siyang umupo sa tapat ng desk nito.

"Dude akala ko nasa outing ka?" Tanong ni Mathew na tumigil sa ginagawa.

"Umuwi sila Andra eh." Napapalo pa ito sa table. 

"Ano na naman ang nangyari? Akala ko ba pag-balik niyo magiging okay na ang lahat. Anong kapalpakan  ang ginawa mo naman? T*ng-inang buhay mo yan hindi kana naubusan ng problema ah." Napasandal pa si Matthew na parang apektado na rin sa nang-yayari sa buhay ng kaibigan niya.

"Magiging okay na kami pag-nakapag-paliwanag na ako. Kaya kailangan ko siyang makausap, kaso ang problema hindi ko alam kung asan siya." Nag-punta siya sa bahay ni Cassandra pero wala doon, nag-punta rin siya sa opisina nito pero wala naman masabi sa kanya si Vera kung asan ito makikita.

Kahit si Aiken na nasa Singapore parin tinawagan niya para itanong kung saan pwedeng mag-punta si Cassandra, pero wala rin itong masabi. Alam na rin naman nito ang tungkol sa kanya. 

"Kahit si Aiken tinanong ko walang masabi, namura pa tuloy ako. Akala kung may ginawa na naman ako kay Andra eh." Natawa ng malakas si Matthew sa sinabi niya.

"Ano ba kasing nangyari?" Natatawang tanong nito.

"Si Martina." Nilahad nga niya sa kaibigan ang mga nalaman niya, napa-iling na lang si Matthew sa nalaman.

"Adik din 'to si Martina. Wag mo na nga munang isipin yan, sumama ka na lang sa party mamaya. Nandito ka na naman eh." 

"Wag na dude wala ako sa mood para makipag-party."

"Sige na sumama ka na. Si dad kasi kailangan ko daw pumunta, kung ako lang ayaw ko naman eh. Pupunta din naman sila tito diba?" Hindi na umimik pa si Inigo.

***

Dumating si Iñigo at Matthew sa isang hotel kung saan idaraos  ang event na dadaluhan nila. Pag-pasok palang nila ng ball room, agad ng may mga nag-flash na ilaw galing sa mga camera at kinukuhanan sila.

"Langhiya, ito na nga ba ang sinasabi ko, expose na naman ang ka-gwapuhan ko nito." Sabi ni Matthew at inayos pa ang suit na suot nito. May mga lumapit na reporter sa dalawa.

"Mr. Iñigo Galvez, totoo ba ang balita na nag-kakalabuan kayo ni Ms. Martina Kate dahil sa pag-hahabol ng babaeng nabuntis mo daw." Tanong ng isang reporter.

"Good luck dude, mukhang tatad-tadin ka ng tanong dito." Bulong ni Matthew sa kanya.

"Excuse me guys, babatiin ko lang muna sina Mr. And Mrs. Yap, mamaya ko na sasagutin ang mga tanong niyo." Umalis si Iñigo at Matthew at lumapit sa mag-asawang Yap.

"Oh! The two of the most eligible bachelor in town. Mukhang maraming reporter sa party namin dahil sa 'yo Iñigo." Agad na sabi ni Mr. Yap sa kanya at nakipag kamay siya dito.

"I'm sorry Mr. Yap, but don't worry I won't ruin your party." Natawa lang ito ng mahina sa sinabi niya, bumaling siya sa asawa nito.

"Mrs Yap. Happy anniversary." Bati niya dito at nakipag-beso. Gan'on din ang ginawa ni Matthew.

Slept with a Stranger #Wattys2015Where stories live. Discover now