"Mommy" Naangat niya ang ulo niya mula sa pagkakasandal ng marinig si Gelo.

"Yes baby? come." Lumapit ito sa kanya at hinagkan niya ang noo nito.

"When are we  going home? I miss daddy. Sabi ni daddy matagal tayo sa beach." Naawa siya bigla sa itsura ng anak niya, para na itong iiyak. excited pa naman ito kanina pag-gising dahil akala nito nasa resort pa sila, pero bigla na lang 'tong umiyak ng pag-labas ng kwarto nasa  bahay sila ng lolo at lola niya.

"Gelo, Come to lolo." Lumapit naman ang bata dito.

"Mamaya mag-swimming tayo sa pool, wag ka na ma-sad. ayaw mo ba kay lolo at lola?"

"Gusto po."Sagot nito sa mahinang boses.

"smile na" Ngumiti naman si Gelo pero malungkot pa rin ang mukha nito. Tumingin uli sa kanya ang daddy niya.

"Anyway Andra, can you attend the party on my behalf."

"Party dad? Mga business associates po ba ang dadalo?"Agad niyang tanong sa halip na tanungin kung anong klaseng party.

"Yeah" Napangiwi siya sa sinabi ng daddy niya, sa totoo lang ayaw niyang sumasama sa mga party na pinupuntahan nito noon. Boring ang ganoong party para sa kanya, nakaka-antok, parang prayer meeting ito sa kanya.

"It might help you. Marami kang makakilala doon na pwede mong maging client." Napangiti siya sa sinabi nito. Tanggap na talaga nito kung ano ang gusto niya at ngayon sinusuportahan pa siya.

"Kelan po ba 'yon?"

"Tonight"

"Tonight! Dad naman, agad-agad."Bulalas niya.

"Lastweek pa dumating ang invitation. Ang mommy mo kasi masama ang pakiramdam, nakakahiya naman kay Mr. Yap kung  walang dadalo."

"Anong klaseng party po ba yan? And who's Mr. Yap?"

"Wedding Anniversary ng mag-asawa. Hindi mo sila kilala, ayaw mo naman kasing sumasama sa party noon eh."

"Tss. Bakit kailangan talaga ng engrandeng party sa mga ganyan? Hindi na lang sila mag - celebrate ng sila lang, candlelight dinner,  mas romantic 'yon." Natawa ng mahina ang daddy niya.

"Ganoon talaga ang mundo ng mga business men."

"Yeah right!  Para mas makilala ang pamilya at para  ipasikat na mayaman sila." Ngumiti siya sa daddy niya dahil tumaas ng bahagya ang kilay nito.

"Just an opinion." Nailing na lang ang daddy niya sa sinabi niya.

"I think Miguel will come to attend too. Tatawagan ko, para sama na lang kayo."

"Kilala din ni Miguel?"

"Andra, isa lang ang mundong ginagalawan  namin."Tumango na lang siya.

"But dad, wag mo akong sisihin kung mapahiya ko kayo, alam mo naman wala akong alam sa pakikipag-mingle sa mga business men, lalo kung pag-uusapan tungkol sa mga boring businesses."

"Less talk, less mistakes,  daanin mo na lang sa charm mo, katulad ng ginawa mo kay Miguel. Ahaha!" Nangunot ang noo niya sa sinabi ng daddy niya, dahil tumawa pa ito ng malakas, pero napangiti na rin siya, dahil mukhang nag-bago-bago na ito mula sa pagiging seryoso, nahahawa na siguro ng kakulitan ni Gelo.

"Dad talaga."Tangi niyang nasabi.

"Hay Cassandra,  whenever you like or not, ikaw ang mag tutuloy ng negosyo natin." Hindi na umimik si Cassandra,  wala naman talaga siyang choice dahil siya lang ang inaasahan ng daddy niya,  kaya iniisip na rin niyang pag-aralan ang field ng business nila. Alam niya kasi kung gaano ito ka-importante sa magulang niya, lalo na sa daddy niya. Lalo na sa kanya dahil gawa ng kompanya nila ang paboritong instant coffee na iniinom niya.

Slept with a Stranger #Wattys2015Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ