I took a deep breath and focused my gaze on Kobe. Mapungay ang mga mata niya at ang mamumula-mulang labi ay bahagyang nakaawang. The first two buttons of his white polo were undone. Ang itim na coat naman ay hakab sa maskulado niyang katawan. And just like before, I still couldn’t understand how someone as mighty as him could fall in love with me.

“Kobe,” tawag ko na parang hindi kami nakatingin sa isa’t isa. His brow shot up, and the corner of his lips rose.

“Yes, pretty?”

Nag-init ang mukha ko ngunit pinilit kong ikunot ang noo. Alam kong napansin niya iyon kaya lalo siyang napangisi.

“May ano kasi...” I cleared my throat and concentrated on what I had to say.

“Hmm?”

“Daan muna tayo sa fruit stand malapit sa Sway’s.” Kinuha ko ang cellphone sa bag at tiningnan ang oras. “Medyo maaga pa naman.”

Ibinaling ko ulit ang tingin sa kanya at kahit may pagtataka sa guwapo niyang mukha ay sinabihan niya si Kuya Enzo na tumigil sa fruit stand na sinasabi ko.

I did my research last night and found out that his family was a fruit lover. Alam kong marami na silang prutas sa bahay nila, pero nakakahiya naman kasing magpunta roon nang walang kahit na anong dala. Gusto ko sana silang ipagluto ngunit natatakot naman ako sa magiging reaksyon nila. Baka mamaya ay magaya pa sila kay Kobe na nanakit ang tiyan.

Ako lang ang bumaba sa sasakyan kahit pa nagpupumilit si Kobe na isama ko si Kuya Enzo. Hindi naman na kailangan iyon dahil isang basket lang ang bibilhin ko. Dampot lang ako nang dampot ng mga mansanas, ponkan, peras, saging, at ubas. Nang mailagay ang mga iyon sa may kalakihang basket ay natuwa ako dahil maganda silang tingnan. Ipinaayos ko pa nang kaunti ang basket para magmukhang sa supermarket ko binili.

“One thousand four hundred ninety, neng.”

“Po?!” Namilog ang mga mata ko. “One thousand?”

Kumunot ang noo ng tindera sa akin. “Nako, mahal na ang mga prutas ngayon. Itong saging na lakatan ay nuebe per piraso. Itong ubas, two hundred sixty ang kilo. Mura pa nga rito at kapag nakita mo sa mga mall, nagdodoble ang presyo.”

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Dalawang libo lang ang dala kong pera at allowance ko pa iyon sa mga susunod na linggo. Hindi ko naisip na nagmahal na ang presyo ng mga prutas. Hindi naman kasi kami masyadong bumibili noon maliban na lang kung bagong taon.

Napabuntong-hininga ako. Kapag naman binawasan ko, hindi mapupuno ang basket at hindi magiging maganda tingnan.

“Ano, kukunin mo ba?”

I bit my lower lip. Bahala na nga. Kikitain ko naman ulit iyon. Mas mahalaga ngayon ang impresyon sa akin ng pamilya ni Kobe.

Tumango ako at mabigat ang loob na ibinigay ang bayad sa kanya. Halos isang buwan ko nang allowance ang presyo ng prutas, kaya siguradong magtitipid ako sa susunod na mga linggo. Bakit ko ba naman kasi inisip na nasa five hundred lang iyon?

“You like fruits?” tanong ni Kobe nang kalungin ko ang basket.

Umiling ako. “Sakto lang... para sa pamilya mo ‘to. Mahilig sila sa mga prutas, ‘di ba?”

His forehead was knotted. “Hindi ka na dapat nag-abala—”

Sinamaan ko siya ng tingin. “At ano? Pupunta ako roon na sarili ko lang ang dala ko?”

“That’s more than enough,” he insisted. “Sila naman ang nag-imbita sa ‘yo.”

“Marami ka pang dapat matutunan sa mga gan’yan, Kobe,” naiiling na saad ko. “Kapag pupunta ka sa bahay ng isang tao, dapat lagi kang may dala para sa kanila. Kahit pa alam mong hindi naman nila magagamit ‘yon o ano, parte na rin ‘yon ng pasasalamat mo kasi pinapasok ka nila sa tahanan nila.”

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon