Masuyo ko siyang tinitigan. "Dess—"

"Kasal na si Pete... hindi sa akin."

My eyes widened at the thought Pete chose someone else. Condessa loved him more than herself but in the end, he didn't choose her. Some scenes suddenly flashed in my head. A silhouette of a woman who looked exactly just like Bethanie throwing money in my face as she pushed me away. Her mouth was shouting hurtful words. I can't hear it. I don't know how it became painful. As if my heart can understand it and I am broken. Tears escaped my eyes as realized in the end, Third, might didn't choose me too.

Tinukod ko ang aking kamay sa higaan para itago ang hapdi na biglang naramdaman. Kung ako na nasasaktan ng ganito, paano pa kaya ang pakiramdam na hindi nakalimot at sariwa mong dinaranas ang hapdi ng hindi pillin?

"Dahlia?" tawag ni Third. Ilang hakbang lang ay nakalapit sa akin ngunit natigilan noong tumingala ako at tumitig sa kaibigan.

"I'm sorry. Wala ako sa tabi ng mga oras na kailangan mo ng kaibigan."

Kinagat ni Condessa ang kanyang ibabang labi, pinipigalan ang maiyak ngunit hindi siya nagwagi. Mabilis ko siyang hinila upang mayakap. I silently console her. Walang masabi dahil wala akong matandaan kung paano nangyari iyon. Hindi ko alam. Ang buong akala ko ay nagkatuluyan sila.

Saglit kaming ganoon hanggang sa mahimasmasan siya. Dumating ang doctor para tingnan ako. Nang matapos ay si Third na ang dumalo at kinausap sa labas. Naiwan kami ni Dessa na parehas tulala sa kawalan. Katahimikan ang namayani sa amin ng bigla siyang magsalita ngunit may ngiti na sa labi. "Manganganak sa katapusan ang asawa niya."

"Anak?"

Tumawa siya. "Oo."

Umiling ako. "Ang sama ni Pete. Alam niyang gusto mo siya, sana hinayaan ka nalang niya na lumayo. Ikaw, sana lumayo ka nalang para hindi ka nasasaktan ng ganyan."

"Nagkakamali ka Dahlia."

"Anong mali roon?"

"Gusto kong turuan ang puso ko na kalimutan na siya sa ganoong paraan. Para mag-sink in sa akin na hindi talaga ako ang gusto niya."

Bumuntong-hininga ako at umiling. Hindi ko maintindihan. Mahal ko si Third, pero kung ayaw niya na sa akin at kung hindi ako ang pipiliin niya. Lalayo na ako para hindi na masaktan pa. Panahon naman ang magtuturo sa akin na kalimutan siya ng hindi nasasaktan. Hindi gaya ng ideya niya.

Gusto kong itanong kung sino ang napangasawa ni Pete, kaso baka mas lalo lang siyang masaktan. Change topic! "Sa Owl City Main University ka ba nagtapos ng college?"

Malungkot siyang ngumisi. "Abroad."

Mariin ko siyang tinitigan.

"Gusto lang ako ilayo ni dad sa panganib."

"Panganib?"

Tumango siya. "Kamusta na pala ang pakiramdam mo?"

May problema ba siya bukod sa sawing pag-ibig kay Pete? "Paggising ko, okay naman. Puwede na siguro tayo lumabas. Baka kulangin ang pera ko para sa bill dito sa Hospital."

Ngumisi siya. "Barya lang iyan kay Aeron."

Huminga ako nang malalim. Pilit inaalala kung saan kami tumira ni Daryl. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, bibisitahin ko iyon. Sa ngayon, ayaw ko munang ipilit na alalahanin. Baka bumalik ako rito sa Hospital at malaki na naman ang bayaran ni Third sa kakulitan ko.

Pagbalik ni Third, kasama na niya sila Tatay at Nay Gal.

Si Dessa ang nag-entertain sa dalawa habang si Third na tahimik kong minamasdan mula sa labas ng mansion nila, may kausap sa telepono.

Burning touchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon