Nakatapat sa amin ang mga aircon doon. Kaya nilagyan ni Tatay ng trapal ang banda don para di kami matuluan. Minsan isang buwan ay binubuksan yun para hindi masira.

Wala na ngayon ang trapal na yon. May bubong na siya na gawa sa yero, pinagawa rin ni Deanna. Pati yung pinaglulutuan ngayon nila Nanay na siyang karugtong nun may matinong bubong na.








"Jema..."



Si Bea yon. Si Deanna hindi pa ko lalapitan nun dahil natatakot siguro sa magiging reaksyon ko.

Hindi ako nagsalita.

Ayoko ng kausap sa totoo lang. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Naaawa ako sa sarili ko.

Ni hindi ko yata maitatanong kay Deanna kung magkano lahat ng nagastos niya. Sigurado akong ilang daang libo yun.

Hindi ordinary na yero ang ginamit nila. May nakita pa kong insulator at mga plywood na kulay puti.

May kisame na rin ang second floor na to.

Kumpleto na talaga kahit isang araw lang ginawa.







"Jema, sa totoo lang di ko alam ang sasabihin ko. I just feel you need someone to talk to.

Please don't feel bad. Deanna just wants the best for you and your family.













Haaay ang hirap naman nito!"






Di mo na ko kailangang paalalahanan Bea. Alam ko naman yon.

Haaay...







"If I say that Deanna doesn't mind the money she spent for this, surely you'll feel pity for yourself.

If I say otherwise, ganun din.

So it's a 'damned if you do, damned if you don't' right?"





Pinupunasan ko yung luha ko.







"Don't cry nga! para kang tanga. Ako lang to ah. Pero Deanna took the risk kahit alam niyang magagalit ka kasi ganun din naman.

Mahirap din para sa kanya yon na nakikita niya na pwede siyang makatulong pero di niya magawa.

Kung ako rin sa kanya, I will do something para di mo na magawang tumanggi.

And please lang Jema, don't think that she did this just for you. She did this for your whole family.

So don't carry all the burden. At kung posible, don't think of it that way.

Deanna had helped many people already.

Yung anak ng kasambahay nila, siya ang nagpapaaral doon.

She is paying it forward lang talaga. Her money is more than enough for herself.

Kaya don't feel bad na please?"





😔😔😔







"If you're not aware, sasabihin ko na sayo. Sila Nanay at Tatay binabase yung nararamdaman nila sa reaksyon mo.

Kanina pinagmamasdan ka nila sa baba. Kaya kung ayaw mong mahawa sila, ayusin mo yang mukha mo.

Fake it if you must."



😕😕😕











Humarap ako sa kanya. 🤨🤨🤨







"Gaano kalaki yung role mo dito Beatriz?"




Text Me When You Get HomeWhere stories live. Discover now