Cam 034: Reunited

Start from the beginning
                                    

"Kuya naman. Mga bata pa naman kami noon. Tsaka alam mo naman na may pagkaspoiled din si Kevs sa mommy at daddy niya diba? Only child kasi."



Umiling si Kuya Roy, "Ang sabihin mo, kulang sa disiplina at aruga"



"Psst" pagpigil ni Mama, "Roy tigilan mo na yan. Mamaya nasa paligid pa si Biyang, marinig ka pa. Siyempre anak niya yun, masasaktan siya sa mga naririnig niya ngayon sayo"



Umikot ang mga mata namin sa paligid. Wala na rin namang tao. Nakahinga si Kuya ng maluwag at ngumiti kay Mama, "Buti wala na nga. Sorry Mama"



"Ingat lang at konting preno naman anak sa susunod ha"



Pinaandar na ni Kuya Greg ang sasakyan. Sabi ni Mama dadaan muna kami sa favorite naming resto dito. Sana nga lang bukas pa kasi ilang taon na kaming hindi nakakauwi dito.



We were waiting for our order nang muli naming matanaw sina Tita Biyang na pumasok sa same resto kung nasaan kami now.



"Biyang?!" sigaw ni Mama kaya agad na napalingon si Tita sa kanya.



"Osang? Ang bilis naman. Nagkita tayo ulit"



"Oo nga eh. Hinihintay na lang namin order namin. Samahan niyo na lang kami dito sa table namin"



Yayakagin na sana ni Mama sina Tita and asawa niya nang biglang magring ang phone nito.



"Excuse me lang ha?"



"Sige okay lang"

Nilayo ng kaunti ni Tita ang kanyang sarili habang kinakausap ang kung sinuman ang tumawag.



"Yes anak. Coming home na kami with your food. Hoyy yung kapatid mo ha, pakisabi babatukan ko pa yan sa mga pinaggagagawa niya sa buhay niya......hmmm sige na sige na bye love you anak" aniya sa phone.



Pagbalik niya sa lamesa namin ay agad siyang tinanong ni Mama.



"May kapatid na pala si Kevin? Nasundan pa pala siya?"



Bahagyang nagulat si Tita sa tanong ni Mama then tsaka lang narealize ni Mama na parang ang intruding naman ng tanong niya, "Ay sorry kung narinig ko. You were still as same as before, malakas ka pa rin makipag-usap sa phone." pagbawi ni Mama.



"Ah oo. Si Tin-tin"



"Oh talaga babae? Buti naman. Diba matagal niyo nang hinihiling na magkababaeng anak noon. Binigay pala ni Lord ano?"



"Oo nga eh" sabay tango ng alanganin.



"Oh tara saluhan mo na kami" pag-alok ni Mama na siya namang ikinatanggi ni Tita Biyang.



"Hindi na Mars. Andito lang talaga kami para magtakeout. Yung tumawag, si Kevin yun, pinapauwi na kami dahil sa sutil niyang kapatid"



"Naku, hayaan mo na. Only girl pa man din kasi kaya siguro asar-talo sa kuya niya. Intindihin mo na lang mga bagets ngayon. Naku napagdaanan ko rin yan dito sa Rita ko na hanggang ngayong ang kulit-kulit pa rin"



"Ohh Mama kanina ka pa talaga. Ako na nga sumagot ng kakainin natin, pinapahiya mo pa rin ako"



"Sus ayun na nga nagdrama ulit. Oh sige Biyang. See you na lang ulit"



"Sige Mars. Oorder na ako then alis na rin kami after. See you!"



Halos one hour lang ang iginugol namin sa pagkain. Mamayang gabi is our flight back na rin back to Laguna na. I have work pa kasi sa Tuesday. Kaya kahit Tuesday pa ang birthday ni Ate, ngayong Sunday na kami pumunta to reminisce her.



Sumaglit muna kami sa dating bahay. As expected, lumang-luma na nga ito at hindi na rin naalagaan dahil hindi naman namin ito pinatirhan nung umalis kami.



Natatanaw ko rin sa hindi kalayuan ang bahay nina Tita Biyang at halos katabi rin nito ang bahay ng bestfriend kong si Nenet. I'm wondering, nasaan na rin kaya sila ano? Namimiss ko na yung bestfriend ko.



Muli akong napatingin sa may parte ng ilog. Dito nagkabuhol ang mga buhay naming tatlo. Si Ate nawala nang dahil sa pilit niyang kinuha ang kwintas na regalo ni Nenet. Sana kung nasaan man sila ay happy sila.



"Anak, bunso. Tara, balik na tayo Manila?"



"Ay sige po Mama. Isasara ko lang ulit itong pintuan" sabay huling silip sa loob ng aming munting kubo saka sinara ang pintuan.



Malapit-lapit lang naman ang bagong airport sa amin kaya hindi na rin kami nahirapang magcommute. Mukhang hindi pa rin yata uso ang TV dito sa amin kaya hindi nila ako masyadong kilala bilang artista but that's what I love actually.



"Bye province! See you again soon!" and I waved as our plane takes off.



Pagkauwi namin sa bahay ay agad kong tinawagan si Trish. Sina Mama naman ay nagbihis at nagpahinga muna sa kwarto. Si Kuya Greg ayun namiss agad ang Lianne BFF ko while si Kuya Roy, sinundo na si Lorraine.



"Hello. Kamusta si Dani? Kakauwi lang namin. Pasensya ka na biglaan kong iniwan sayo ang baby ko"



"Uhmm actually Tata, hiniram ni Ken si Dani. Pumunta siya sa bahay kanina."



"Huh?" nagulat naman ako pero nangiti nang bahagya.



"Sorry talaga Tata. Tumawag din kasi yung pinsan ko na nakauwi na nga daw sina Tita. May munting salu-salo kasi kami tonight kaya di ko rin mababantayan si Dani kaya ayun, binigay ko na kay Ken"



"No it's fine. Okay lang naman. I know she's in good hands naman. Namimiss ko na ang baby ko"



"I know. Wala namang mapapahamak na bata sa puder ng magulang niya diba?"



I smiled, "Tama ka naman diyan. Kahit naman hindi niya anak, malapit at caring talaga siya sa mga bata kaya I'm sure, Dani will be happy there. Hindi ko lang din alam baka maspoil ng lola"



"Teka nga pala, Tata. How will you tell your daughter ba?"



"Hindi ko rin alam kung kailan. Baka magkagulatan na lang. As to Dani naman, matagal nang malayo ang loob niya kay Brent kaya naman alam kong hindi siya mahihirapang maintindihan ang mga nangyayari. Oyy pero Trish ha, lilinawin ko lang. Never kong siniraan si Brent sa mga mata ng anak ko"



"Wag ka nang mag-explain. Alam kong matalinong bata si Dani like you. Minsan nga lang mapurol ka"



"What? Grabe ka sa akin. Hoyy may kasalanan ka pa sa akin. Bigla bigla ka na lang nang-iiwan sa ere ha"



"Nagsorry na nga at nabusy nga yung tao. Oh inalagaan ko naman si Dani ah"



"Na binigay mo naman kay Ken. Ewan ko sayo Trish. Kaya siguro kita naging close friend kasi pareho tayong maluwag ang tornilyo hahahahaha"



"Bahala ka na nga Tata. Basta ang akin lang, hangga't may time pa, live your life to the fullest. And I'm talking about Ken. What's your plan ba?"













Tumungo ako sa kitchen to get some milk. Pagabi na rin kasi and feel ko matutulog na rin ako anytime and before going to bed, I'm making sure that I drink milk, always. Nasa tenga ko pa rin ang airpods.



"Nakwento ko ba sayo?"



"Na?" she asked.



"We had been one again the other night?"



----------
🤭🤭🤭

Filming LoveWhere stories live. Discover now