Book 4 (Riza & Roi) - Chapter 10

Magsimula sa umpisa
                                    

Binagalan pa nito ang pagkilos. Na para bang may mga botones ang briefs na kailangang isa-isahing isara. It took seconds much longer bago lubos nitong naisuot ang kapirasong saplot.

Sa sulok ng mga mata ay pinagmasdan siya nito. Nananatiling tila namatanda siya.

Nagpatuloy pa rin si Roi sa pagpapatay-malisya. Tinunghayan nito ang closet at namaywang. Tila nahihirapan itong magdesisyon kung pajama ang isusuot o boxer shorts na lang.

Nag-inat muna ito bago hinugot ang isang shorts. At kagaya ng pagsusuot ng briefs ay mabagal din nitong isinuot iyon.

Samantala ay napalunok naman si Riza. Roi showed a well-coordinated muscle movement when he stretched. That was indeed a pleasing view.

Pumihit ito. "I'm now going to bed. Iiwan ko na lang bukas ang pinto para sa iyo," kaswal na sabi nito.

Napaawang ang mga labi niya. Nag-init ang mukha niya sa pagkapahiya. Maliban sa marahang tango ay wala na siyang nagawa kung hindi ang tumalikod.



GIGIL na gigil si Riza habang naghihilamos. Pahiyang-pahiya siyang talaga. At hindi niya maituring na konsolasyon na hindi naman siya masyadong pinansin ni Roi.

Hindi nga siya sigurado kung talagang hindi nito iyon pinagtuunan ng pansin. Baka hindi lang ito nagpahalata sa kanya.

At saka niya naisip, bakit nga ba para yatang tumagal magbihis si Roi samantalang underwear at shorts lang naman ang isinuot? O baka naman saglit lang siyang natulala kung kaya hindi niya namalayan kung matagal nga itong magbihis o hindi?

She tried to remember. Subalit patuloy na umukilkil sa isip niya na lubhang matagal nga itong magbihis.

By golly! her mind screamed when the thought occured to her.

Ngayon tuloy ay parang gusto niyang lunurin ang sarili sa agos ng tubig sa dutsa.

Ano ang mukhang ihaharap niya rito kung ganitong bistado siya nitong pinagpiyestahan niya ang katawan nito?

Sa kaiisip ng gagawin ay tumagal kaysa normal ang paglilinis niya sa katawan. Nang magbibihis na ay para tuloy gusto niyang magdalawang-isip sa isusuot.

Pranelang pajama set iyon. Disente naman maliban sa medyo malalim ang uka sa leeg. She made a mental check. Wala na siyang magagawa. Ang mga pantulog na natira sa closet ay medyo sexy na. At hindi niya gustong magpahiwatig.

Oh, hell! Sino naman ang nagsabi sa kanyang magpahiwatig siya?

Ipinilig niya ang ulo at nagbihis na. Lamang ay nagsuot pa rin siya ng bra. It was unusual for her. Alam niyang hindi siya magiging komportable. But tonight was different.

Nang lumabas siya ng banyo ay gusto pa niyang magsisi na pumayag sa setup nila.

Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib bago pumasok sa master's bedroom. Patay na ang ilaw sa ceiling. Tanging malamlam na liwanag sa table lamp ang iniwan ni Roi na nakabukas.

She took another deep breath at saka tuluyan nang pumasok. Iwas na iwas ang mga mata niyang mapagawi ang tingin sa malapad na kama kung saan nakalatag ang katawan ni Roi.

Nasa magkabilang panig ng dingding ang kanilang kama. Sa pagitan ng mga iyon ay ang crib ni Angel.

Matapos niyang tingnan ang bata ay nahiga na siya.

Para naman siyang nakasalang sa isang interogasyon. Hindi siya mapakali sa pagkakahiga. Hindi niya matukoy ang tunay na kondisyon ng tibok ng kanyang puso. Minsan ay mabilis na mabilis. Minsan naman ay tila wala nang kasunod.

Sometimes You Just Know - Volume 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon