Ang lovestory ng buhay ko

157 6 4
  • Đã dành riêng cho milabs
                                    

"Tara laro tayo!"

"Sige! Basta wag mong isali yung isa diyan."

"Okey, walang problema!"

Ang tinutukoy naming isa diyan sa aming paguusap ng mga kaibigan ko ay si Sesmar Nomolos. Hindi siya kagwapuhan pero may itsura, medyo matalino, matangkad, at ang pinaka nagustuhan ko sa kanya ay ang singkit niyang mga mata.Kapag tinanong mo naman ang mga naging kaklase naming nung hayskul kung anong klaseng tao siya, sasabihin nilang isang salbaheng nilalang yang si Sesmar dahil mahilig itong mang-asar lalo sa mga matataba, palibhasa payat siya, at mahilig din siyang mamalo ng ulo, mayroon na nga siyang napaiyak na babae dahil diyan sa kasalbahian niya pero wala parin siyang pakialam. Ngunit hindi nila alam na sa likod ng ganito niyang pag-uugali ay mayroon itong itinatagong kabaitan, hindi lamang ito napapansin ng iba dahil hindi nila masyadong kilala si Sesmar.

ayy.. oo nga pala di pa ko nagpapakilala sa inyo ! Ako pala si Anne Penel, hindi kagandahan at hindi din kapangitan kumbaga tama lang para masabing isa akong tao.. o kaya cute lang talaga ako ahaha ! pagbigyan niyo na ko libra namang mangarap eh

osha balik na tayo sa ikinikwento ko..

Nagsimula ang lahat ng aking nararamdaman para sa kanya nung nasa ikalawang taon pa lamang kami sa hayskul, wala pa akong pinagsabihan tungkol dito dahil nung una, akala ko ay wala lang ito at mabilis lang din mawawala kapag nagtagal ngunit tila nagkamali yata ako ng akala. Uso sa amin ang paglalaro ng Korean jackstone dahil ito sa impluwensiya ng mga kaklase naming koreano at koreana. Tuwing may bakante kaming oras ay naglalaro kami nun at palaging kasali sa amin si Sesmar, minsan nga ay ayaw na namin siyang pasalihin dahil palagi naman siya ang nananalo kaya madalas ay tinatamad na kaming maglaro nang dahil sa kanya.

Paminsan-minsan naman ay naglalaro ako ng Korean jackstone sa bahay ng mag-isa bilang pampalipas ng bagot sa bahay, sa tuwing labing-apat ang nakukuha kong iskor ay bigla nalang akong may nararamdamang kakaiba, kilig? Bakit? Hindi naman siguro, pero sa pagkakaalam ko ay labing-apat ang paboritong numero ni Sesmar. Simula noon ay parang naiilang na akong kausapin at lapitan siya, natutuwa naman ako sa tuwing sasali siya sa amin maglaro ng Korean jackstone, hindi nga lang halata kasi nakikisali ako sa kanila sa pagpapalayas nila kay Sesmar dahil nga masyado na siyang magaling para sumali pa sa amin na tila mga baguhan pa lamang.

Mga ilang linggo narin ang dumaan at napapansin kong mas lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya sa tuwing magkasama at magkadikit na magkadikit kami sa sinasakyan naming tricycle sa tuwing pupunta kami sa bahay ni Xela, isa sa mga kaklase namin na isa rin sa mga malapit kong kaibigan, dahil sa madalas naming pagpunta doon, naging suki na kami sa kanyang bahay at sa mga nilulutong pagkain ng kanilang matagal ng katiwala na si Ate Inday.

Doon ay nagkakaroon kami ng mga katuwaan sa pamamagitan ng paglalaro ng online games, pagkukuha ng mga litrato gamit ang webcam sa laptop, at ang pinakamasaya naming ginagawa sa bahay ng kaklase namin ay nagtutugtugan at nagkakantahan.

Kahit sa silid-aralan, kapag may bakanteng oras at may nagdala ng gitara, hihiramin niya ito at magsisimula na siyang tumugtog at madalas niya akong niyayaya upang kumanta habang siya ay naggigitara. Nung napasyal kami ulit sa bahay ni Xela, nagulat ako sa biglang sinabi ni Ate Inday,

"Alam niyo para kayong magboyfriend at maggirlfriend, kayo nalang kasi ang palaging magkasama pagpumupunta dito eh, bakit hindi nalang kaya maging kayo?"

Korean Jackstone (ang lovestory ng buhay ko)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ