Sasamahan niya din ako sa pagtake ng Master's degree sa kabilang bayan.

At hindi nila tinanong ang opinyon ko. Nagdesisyon silang dalawa.

Pati yung 'SIYEMPRE, KAILANGAN NATIN ANG PERMISO NG AMA NIYAN,"

Sa pagtira ko sa kanila.

Kaya eto kami, papunta sa bahay. Hindi rin nila ako natanong kung ready na ba akong ipakilala si Deanna kay Tatay.
















AaAaAaHhHhH!!!











Sa utak ko lang yung sigaw na yun. Sa isip lang kasi baka masabunutan ako ni Nanay.

Magugulatin pa naman siya.

Pero tumulo ang luha ko sa kunsumisyon sa kanilang dalawa!










Kaya tong si Deanna kinukulit ako ngayon. Panay ang text habang nagmamaneho.

Parang ngayon lang niya naramdaman ang presensya ko or ngayon lang niya narealized na dapat pala nakahanda na ko diba?!













😔😔😔










Dalawang kanto na lang.













Wooh!

Naguumpisa na kong kabahan.

Ano nga ba ulit yun?

Akala ni Tatay at Nanay, si Bea diba?

So parehas kaya ang magiging reaksyon nila?

Ang alam ko nakailang beses nang nakapunta si Bea sa bahay namin.

Ihinabol niya minsan kay Nanay yung supplement na binibigay niya.

May time din na dinala niya si Nanay sa compound, bale sinundo niya dito dahil bumisita yung tita niyang doktor. Sabado yun.

Kaya si Nanay dun na lagi nagpapakonsulta. Libre yon lahat. Kaya napakalaking bagay yun sa amin.












Isang kanto na lang!














😣😣😣😣😣













Kinuha niya ang kamay ko.

Hinalikan niya yon.

Napatingin siya sa akin









Yung parang gusto niya akong kausapin sa pamamagitan ng tingin.














"Magdrive ka na lang po. Okay lang ako."







Bulong ko sa kanya.

Binabasa niya ang mukha ko kung totoo ba ang sinasabi ko.















Itinigil ni Deanna ang sasakyan sa tapat ng talyer ni Tito Nanding. Sarado naman na yon kaya ayos lang. 









Inalalayan ko si Nanay pababa dahil medyo mataas ang sasakyan ni Deanna.





Pagkatapos ay kinuha ko rin yung mga dala ni Nanay. Mga regalo yun ng mga estudyante namin.

Karamihan sa mga gift sa kanya ay mga cardigan at scarf. Sa akin ay kadalasang chocolates. Inuwi niya yun para kay Mafe.












Text Me When You Get HomeWhere stories live. Discover now