Chapter 114: Busy Day

Start from the beginning
                                    

"Hey!" Naglakad papalapit sa akin si Sandro and gave me a high-five. "Congratulation sa pagkapasok ninyo sa Season 4 tournament. Ibang klase 'yong kaba ko habang kalaban ninyo ang Battle Cry, parehas ko kayong mga kaibigan tapos isang team lang ang makakapasok." Kuwento agad ni Sandro na nakapagpatawa sa akin.

Naging busy si Sir Theo sa isang sulok sa dami na rin nang tumatawag sa cellphone niya. Minsan ay may mga walang kuwentang call pa siyang natatanggap kay Liu para lang itanong kung saan nakatago 'yong mga Pancit Canton, mga dagdag sakit sa ulo lang ni Sir Theo.

"Congrats din, actually kinakabahan ako sa mangyayaring tournament, first time ko sa big event." Sabi ko sa kaniya.

"Hmmm..." Sinabayan ako ni Sandro sa paglalakad. "Parang Summer Cup lang din, mas malaki nga lang ang venue at mas doble 'yong hype. Ganoon 'yong feeling." Parang Summer Cup lang?! Noong Summer Cup nga lang, grabe ang pamamawis ng kamay ko sa kaba, eh!

Naglakad kami sa mga nagkukumpulan na players. They are wearing their team jackets, lahat kami ay may number 1 sa likod ng aming jacket. "Guys, this is Milan from Orient Crown." Sandro introduced me. As expected, mister congeniality pa rin si Sandro sa dami ng kaibigan sa Esports

"I know her, nagkita na kami once." Lumapit sa akin team captain ng Black Dragon. He has this chubby cheek at maayos na naka-wax ang kaniyang buhok.

Inalala ko kung saan kami nagkita. "Pampanga event?" I asked him.

"Oo, noong tinawag ko si Callie. Although hindi tayo na-introduce ng maayos sa isa't isa that time. Ako si Troy, Team Captain of Black Dragon. Pero Choji ang tawag nila sa akin," He pinched his cheeks. "Alam mo na, mukha raw akong mataba dahil sa pisngi ko."

Hindi naman talaga mataba si Troy, malaman lang ang kaniyang pisngi. Sandro introduced me to other team captains. 'Yong iba ay acquainted na kami sa isa't isa dahil nakikita ko na sila sa ibang matches or events. 'Yong iba naman din ay ngayon ko lang nakita kagaya na lamang ng leader nitong Daredevils.

He has this quiff hairstlye (familiar na ako sa mga hairstyle ng lalaki sa madalas kong pagsama kay Dion, he also have an upturned eyes kung kaya't medyo nakakatakot siya tingnan, mataas at medyo makapal ang kilay nito.

Nakasandal lang siya sa gilid ng lamesa. "Milan this is Thaddeus, the Captain of Daredevils. Thaddeus, this is Milan, Captain of Orient Crown." Pagpapakilala sa amin ni Sandro sa isa't isa.

Nawala ang tingin niya sa kaniyang cellphone at saglit na napatingin sa akin. He just nodded and gave a small smile.

"Fan ng team ninyo 'yong mga kapatid ko." Sabi ko sa kaniya. Totoo naman, noong season 3 tournament nga ay hindi talaga kumain ang mga kapatid ko dahil lang talo ang Daredevils.

"Thank... you?" he said in unsure tone. Okay, nagmukha akong FC. Pero atleast, naiparating ko sa kaniya na fan ang mga kuya ko.

Are discussion is interrupted noong tinawag na kami para mag-standby dahil mag-i-start na daw ang interview session in 5 minutes. Binasa ko sa huling beses ang set of questions na nasa email ko para hindi rin ako mawala sa mga sasabihin ko.

Sa mga event na ganito, hindi talaga live or spontaneous 'yong mga tanong na ibinabato nila. May mga questions na silang in-email sa amin para alam na namin ang isasagot namin at hindi magkaroon ng dead air. Kung magkaroon man, i-e-edit naman nila 'yon panigurado since matagal pa naman ito ma-e-ere.

The interviewer is Luigi, isa rin sa mga regular shoutcaster kapag may Hunter Online. Isa-isa niya kaming tinanong and so far, ang light lang ng atmosphere dahil nagagawa pang magbiruan ng ibang Captains.

"Uhm, as a Captain, para lang magkaroon ng idea ang mga viewers natin. Ano 'yong pinakamahirap na trabaho ninyo bilang kayo ang Captain?" Tanong ni Luigi sa pagbasa niya sa kaniyang que card. "Milan,"

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now