Seventh Dream

Magsimula sa umpisa
                                    

Patawid na sana ako sa high way nang may biglang may humintong kulay puting kotse sa harapan ko. Bumukas ang bintana nung kotse at nakita ko ang gwapong pagmumukha ni Owen na nakangiti sa akin.

"Are you going to walk all the way to school while carrying that thing?" tanong niya sa akin.

Tumango ako. Binuksan naman niya ang pinto ng kotse niya.

"Hop in!"

"Ay... naku, wag na, Owen. Nakakahiya naman. Kaya ko na."

"Ano ka ba?! Iisa lang naman ang way natin. Tara na!"

"O-Okay!"

Tumabi ako kay Owen sa backseat ng kotse. Pagsakay ko, napansin ko na may babaeng maganda sa passenger's seat sa harap at sa driver's seat naman ay isang matandang lalaki na sa tingin ko eh driver ng pamilya nila.

"Ate ko nga pala, si Ate Olivia. Ate Oli, si Angelique, friend ko."

Nilingon ako ng ate niya at nginitian.

"Hi Angelique!"

Natigilan ako bigla nang makita ko ang mukha niya. Natigilan din siya nang makita niya ako.

"Wait, you look so familiar. Have we met before?" tanong niya sa akin.

Umiling ako agad, "h-hindi po. Ngayon lang po."

"Oh. Siguro kamukha mo lang."

Ibinalik na niya ang tingin niya sa harap.

Si Ate Olivia—sa kanya 'yung panaginip na napuntahan namin ni Caleb kagabi! 'Yung hinahabol ng multo. 'Yung nilandi ni Caleb. Buti hindi niya masyadong naalala kung saan niya ako nakita!

"Ano pala 'to?" tanong sa akin ni Owen habang tinitingnan 'yung illustration board na hawak ko.

"Ah project.."

"Mapa ng Pilipinas? Ikaw ang nagdrawing?"

Nginitian ko siya at tumango ako.

"Ang ganda ah! Ang galing mo naman!" ngiting-ngiti niyang sabi habang nakatingin doon sa project ko na parang namamangha.

Ibinalik niya sa akin ang tingin niya atsaka niya inabot ang project ko, "ang talented mo pala, Angelique."

Napangiti lang ako. Hindi ko alam kung ano'ng ire-react ko. Hindi talaga ako sanay na pinupuri ako.

Pero ang sarap pala sa feeling. Lalo na dahil si Owen pa ang pumuri sa akin.

"By the way, Angelique, are you free this afternoon?"

"Ah... pagkatapos ng klase? Bakit?"

"Wala naman. Sportsfest namin sa school. Eh may laban kami ng basketball. Baka gusto mong manood kasama mga friends mo?"

"S-sige!" mabilis kong pagpayag.

"Great! Mamaya ah? Aasahan ko kayo?"

"S-sige! Okay lang sa akin. Tsaka Friday naman eh, wala naman kaming gagawin after class."

Syempre, palalagpasin ko pa ba ang pagkakataong 'to? Hindi!

Minsan lang mangyari sa akin ang mga ganitong bagay!

Nang makarating kami sa parking ng school nila, binuhat ni Owen ang illustration board para sa akin hanggang sa makarating kami sa school ko.

Lucid DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon