Chapter 1

50.9K 1.3K 69
                                    

MARY CLAIRE'S INSTITUTE, ROOM 251

"Kamusta ang pasyente?"tanong ng isang babaeng nakaputing lab gown.

"Walang pagbabago."umiiling na sabi ng isang nurse.

"Sige salamat."sabi ni Doktora Hazel bago ito pumasok sa kwarto.

"Zack..?"tawag ni Hazel sa batang lalaking nasa loob ng kwarto.

Kulay puti ang buong kwarto. Walang bintana at ang nag-iisang pinto ay ang pinasukan ni Hazel. Sa gitna ng kwarto ay nakaupo ang isang batang lalaki na mukhang nasa edad lima. Nakaupo lamang ito doon habang pinaglalaruan nito ang mga manika nito.

Lumingon lamang sandali ang bata sa doktor bago bumalik sa paglalaro. Napatingin si Hazel sa mga manikang hawak ni Zack.

Hindi ito mga ordinaryong manika. Kulay itim ang mga ito na mukhang gawa sa mga pinagtagpitagping tela.

"Zack alam mo ba kung nasan ang mga magulang mo?"marahang tanong ng doktora sa bata.

"Gusto mong maglaro Hazel?"sabi ng batang nagngangalang Zack. Napabuntong hininga nalng si Hazel. Hindi parin siya sinasagot nito ng maayos. Mag-iisang linggo na sa kanilang puder ang bata. At sa ilang araw na iyon, ni minsan ay hindi niya maisip kung paano magagawa ng batang ito ang krimeng binibintang dito.

Isang linggo na ang nakalipas ng matagpuan si Zack. Lunes noon ng makita si Zack sa isang kindergarten. Duguan daw ito habang may hawak na patalim. Ang mga kaklase naman daw nito ay nakahandusay lahat sa sahig. Lahat wala ng buhay.

Ang sabi ng mga pulis ay pinaslang ni Zack ang kanyang mga kamag-aral. Pero hanggang ngayon ay hindi parin lubusang maisip ni Hazel kung paano magagawa ng isang batang paslit ang ganung karumaldumal na krimen.

"Zack ano bang nangyari noon sa mga kaklase mo?"tanong pa ni Hazel.

"Hazel gusto mo maglaro?"tanong uli ni Zack. Napabuntong hininga nalang uli si Hazel. Kailangan makuha niya muna ang tiwala ng bata.

"Sige ano ba yang nilalaro mo?"tanong ni Hazel. Nagtataka si Hazel bakit manika ang nilalaro ni Zack samantalang lalaki ito.

"Ito si Dylan at ito si Hannah. Naihatid ko na ang balita. Umpisahan na natin ang laro..."sabi ni Zack kay Hazel habang nakahawak sa dalawang manikang kanina pa nito nilalaro sabay ngiti ng nakakapangilabot.

ST. LOISE ACADEMY, COLLEGE DEPARTMENT BULLETIN BOARD

"Congrats pare no. 3 ka padin"nang-aasar na sabi ni Hans kay Light sabay tawa.

"Congrats sa 4."nakangising sagot nmn ni Light.

"Oy oy! Sinwerte ka lng Light!"sagot uli ni Hans.

"No. 1 Dylan Cruz. Walang kupas"sabi nmn ni Hans nang mapansin ang pangalan ni Dylan.

Nasa unahan ng kumpol ng mga estudyante ang dalawa. Nagkakagulo ang mga estudyante sa tapat ng bulletin board. Nakapaskil na ang top-notchers sa semester na iyon.

"Si papa Dylan padin ang 1?"sabi ng isang babaeng nakikiusyoso.

"Hayy ang tatalino talaga nilang magkakaibigan noh?"sabi pa ng isa.

"No. 2..."mahina namang bulong ng isang babae sa kanyang sarili bago niya iwan ang kumpol. Nakita na niya ang kanyang ranggo at katulad ng dati ay pangalawa parin siya.

Habang naglalakad ay may tumawag sa kanyang pangalan.

"Hannah!"tawag ng isang lalaki.

"Nico"mahinang tugon ni Hannah sa nakangiting lalaki.

Taming the IncubusWhere stories live. Discover now