"nakakabaliw ka.."

"sabi ko I love you.."

ulit niya.

"narinig ko nga di ba.."

"tapos?"

Napangiti nalang ako at pinisil ang ilong niyo.

"Mas mahal kita.."

Sabay sabi at ulit natunaw na naman ako sa walang kamatayang killer look. Hai naku. Nakakaloka.

Nagdrive na siya ulit. Mga 30 minutes pa bago kami tumigil .

Bumaba kami sa kotse at may isang babaeng may kulay ang buhok, sexy at magandang lumapit sa amin. Ngumiti siya kay Johann at nagbeso silang dalawa. Napataas ako ng kilay.

The girl he's talking about .

"Gail..this is Joyce sinasabi ko sayong ...alam mo na.."

"Joyce finally.."

parang happy din siyang  nagbeso sa akin.

"so tara na..?"

dagdag niya ulit at hinawakan na ni Johann ang kamay ko at sabay kaming sumunod sa kanya.

"Ano ba to?"

tanong ko kay Johann.

"Surprise.."

maiksi niyang sagot at tumawa ng mahina.

Kung may mas susurprise pa sa ganda ng babaeng kasama mo pala kahapon eh di goodluck nalang sa akin.

Ayan na naman. Oa ka naman Joyce.

Napangiti na lang ako at di na nangulit pa.

Naglakad kami papasok. Para lang iyong bakanteng lote na tinubuan ng bermuda grass. Walang tao maliban sa mga nagtatrabaho yata don na pareho ang mga suot na T-shirt. Pag tingin mo sa paligid may mga parang matataas na hill na feeling ko ang hirap hirap akyatin. Ewan ko kung tama ako but it looks like some kind of park.

"You can have the place until tomorrow morning but dahil sabi mo hanggang hapon lang kayo dito so I guess you need your whole day para mag enjoy. This will be your room and the dining place ay andon lang malapit sa bababaan niyo mamaya. Meron ding pool after that hill and.."

"okay Gail relax...okay na kami wag kang masyadong mag alala.Alam ko na lahat dito kaya okay na.."

Assure ni Johann sa kanya. She sighed and smile sweetly to him.

"ayoko lang madis appoint ka. "

"were good..don't worry.."

sabi pa ulit nito at nag beso na naman ulit kay Johann to say good bye. Buti nalang nagbeso din sa akin.

"nice meeting you Joyce..hope you'll both enjoy.."

ngumiti lang ako at minasdan siyang naglakad palayo.

"ganda niya pala.."

pabirong kong tugon kay Johann at ngumiti ito habang hinihila ako papasok sa loob ng cottage.

"she's a good friend...selosa.."

malambing nyang tumugon na parang natatawa.

Basta kahit sino pa siya,hindi ko siya feel. Period.

Nag iwan lang kami ng gamit sa loob at lumabas din agad. Johann didn't say anything about where we going.

"Ready ka na?"

"how could I say yes kung di ko nga alam kung saan tayo pupunta?Ano gagapang tayo diyan sa damuhan at magdasal buong araw?Wala naman tao dito.."

"are you babbling? Una, hindi tayo gagapang sa damuhan at magdadasal. Pangalawa, tayo lang nandito kasi sinadya kong ireserve ang buong place para ngayong araw dahil alam ko lahat ng pumupunta dito kakilala ko at ayokong maging celebrity ka bigla..may tanong ka pa?"

Hindi ko alam kung saan ako magugulat, sa aware siya sa iisipin ng iba o sa pagrent nya ng buong place. Lahat ba kaya nyang gawin?

"sige na okay na..tara na..ready na ako."

Hinatak niya lang ako papalapit sa kanya na tumatawa. Ang totoo kahit siguro wala kaming gagawin buong araw at maupo lang na magkatabi ay sapat na sa akin. Yong alam kong walang may manghuhusga.

Nakarating kami sa tuktok ng unang parang burol. Nang makita ko ang dalawang tao na nandoon at ang mga gamit sa paligid nagkaidea na ako at alam ko hinding hindi ko gagawin yon.

"I think magbabanyo na muna ako.."

kumawala ako sa hawak niya para makaiwas. Johann reached me again smirking while shaking his head.

"No your not. We will going to fly together.."

"I'm gonna die.."

"with me.."

"No way.."

"Yes.. and I love you.."

wala na akong nagawa. Inayos na ng dalawang lalaki ang parachute at sinuot sa amin. Nanginginig ako at feeling ko talaga di ko kakayanin. Nagbigay sila ng instruction at sumakay na kami sa helicopter.

Ilang dasal na ang nasabi ko. Ilang buntong hininga na ang napakawalan ko. Pati yata dulo ng kuko ko nag momoist na sa kaba.

Unti unti ng umandar ang helicopter. Tumingin na ako kay Johann who's looking funnily to me. I hold him tight ready myself for the next step.

"Ready Mam Sir?"

the pilot asked and as Johann nod my heart stops beating.

"This is really a one of a kind surprise..."

He laugh hearing my mumbling.

"Only for you my love.."

and I close my eyes and readied myself to fly.

LOVING A SEMINARIANजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें