CHAPTER XX MADNESS

Depuis le début
                                    

Alam ko. Aware ako. Pero ayokong isipin. Hindi dahil kaya ko kundi dahil natatakot akong iadmit sa sarili ko na there's still a possibility that we will fail and end up separately.

"I know.."

maiksi kong sabi.

"you know.."

he countered.

"anyway...can I absent tom?"

"why?"

"tatanunigin mo pa ba?"

Kunwari siyang nag isip bago ngumiti.

"sige.."

Napayakap ako sa kanya sa tuwa. Of course he will let me. Sa lahat ng tao sa mundo siya ang unang susuporta sa akin. Parang napapatalon ang puso ko. Bukas kung saan man kami pupunta alam ko mag eejoy kaming pareho. Alam ko it will be the perfect first date of us.

Ang tagal naman yata ng bukas.

Why my heart beats this fast when a clock strikes 9? Bakit para akong alien na bigla na lang kinakabahan na ang totoo gustong gusto ko ngang mag alas nuebe na. Kaloka. Ito yata yong epekto ng pag ibig sa akin.

Pumasok na sila loob. Hindi man ako tumitingin alam ko sila na yon dahil sa ingay. Kunwaring busy busihan ako sa kakatimpla ng kape nila but hoping na lalapit siya at bumati.

Naghintay ako. Naghintay pa. Hanggang natapos ko na amg 7 tasang kape at walang lumapit sa akin. Grrrr. Nakakainis.

Inisa isa ko yon na nilagay sa tray para dalhin sa kanila.

So ano dahil kami na walang effort? Di man lang nag good morning?

"Ang arte...tumingin ka kasi para malaman mong wala siya.."

Tugon ni Tatay na nahalata ang inis sa mukha ko. Napalingon nga ako and I see no Johann in their table. He's not here and hindi ko man lang alam.

Paano ko ba naman malalaman e bawal nga ang cp sa loob di ba.?

Lumapit na ako para sa mga kape nila. Zach smirking on me na tinitingnan ako papalapit. Well, actually lahat sila .

"May tatanong ka ba?"

tuksong tanong ni Emil ng nilapag ko na ang mga kape sa mesa.

"wala naman.."

of course.Paano pa ako makakatanong kung naunahan na ako ng kakulitan nila.

"talaga?wala?"

dagdag pa ni Zach na plano talagang inisin ako.

"Wala..!"

sabi ko lang at iniwan na sila. So ano na? Titiisin ko nalang bang manghula kung nasaan siya kaysa naman lunukin ang pride ko at magtanong?

Wala naman masama don Joyce. They know about you two so don't be shy of asking.

Sige kausapin mo pa ang sarili mo at tutuluyan ka na talaga Joyce.

"Naku masama yan.."

napatingin ako kay Tatay.

"alin?"

"ang magsalita mag isa.."

"Kumakanta lang ako.."

"talaga?..alam mo feeling ko may alam sila kung bakit wala siya ."

"Huh?ok lang na di ko alam..magkikita naman kami bukas.."

Sinungaling. Sinungaling. Sinungaling.

"tsk.tsk.tsk..okay.."

sabi lang ni Tatay at pangiti ngiti.

Sinubukan kong wag mag isip. Di na ako lumalapit sa table nina Zach para wala na akong marinig na kahit ano. Bat ba kasi naiinis ako? Ewan.

"Kailangan namin waitress dito.."

Emil shouted out. Lumapit ako.

"What?"

"saan ka galit?dahil ba sa wala si Johann o dahil babae kasama niya ngayon?"

Sinabi ba niyang babae ang kasama? Kita kong tiningnan ni Zach si Emil ng masama dahil sa sinabi nito.

"Anu kailangan mo?"

"ah ano..pinapatanong ni Johann kung okay na daw ba bukas.."

agaw ni Zach sa usapan.

"hindi ako pinayagan ..yon lang ba?"

I sternly answered lying. Zach face frown at nagtinginan sila lahat.

Nang hindi na sila sumagot bumalik na ako sa counter. Kita ko pang nagbatukan sila ni Emil na panay ang sabi ng sorry.

Nanginginig ako at ang kamay ko ay parang di na makahawak, para akong maiiyak na ewan. Ano to? False alarm ulit? Na assuming na naman ako? So babaerong semenarista na siya ganun?

Keep calm Joyce. You met his Mom,remember? Nag kiss pa kayo, di ba nga?

Sheeeettttt!!!

Hindi, siguro naman nagbibiro lang sila. Ininom ko ang kapeng nasa mesa at huminga nga malalim.

Breath in. Breath out.

Day off pala ha. Mag day off ka mag isa mo. Subukan mo lang ipakita ang mukha mo sa akin at sisirain ko talaga yang kaguapohan mo. Buwesit!



LOVING A SEMINARIANOù les histoires vivent. Découvrez maintenant