Ang buhay ay Isang pagtuklas ng Tao, Bagay, Hayop, Pagkain at sa iba pa nating nakikita. Subalit hindi lahat ng ating nakikita ay totoo.
Sa magandang araw mga ginoo't binibini,
Leny Mercado Mosquida nga pala ang aking pangalan,
Isang simpleng babaeng nangangarap ng magandang kapalaran
Isinilang sa Maynila na lumaki sa probinsya ng Nueva Vizcaya na lumipat sa bayan ng Montalban.
Labing siyam na taong gulang na nga pala ako na ipinanganak noong Ika apat ng nobyembre,
Hindi ako magaling sa lahat sapagkat akin parin namang ginagawa ang aking makakaya
Sanay na rin ako magluto, maglaba, maglinis at ang mag alaga ng pamangkin
Ni minsan narin akong maging nanay kapag wala sila mama dahil bilang Isang anak, ate, kapatid, estudyante at tita ay di biro ang buhay.
Hindi ako matangkad sapagkat mataas ang aking pangarap,
Marahil marami lamang akong nais makamit sa hinaharap,
Hindi rin ako yung tipong pala kaibigan agad sa sino man,
Kaya para sa mga introverts na katulad ko ito ay normal lang naman.
Marami rin akong hilig tulad ng nakararami ang manood, magbasa, maglinis at mag alaga ng pamangkin.
Mahilig akong mapag Isa na para bang laging dinaramdam ang awiting solo ni Jenny.
Nangangamba man sa aking kinagagawian ay akin munang di papansinin.
Nasa unang taon na nga pala ako ng kolehiyo
Naranasan ko ng paghirapang matapos ang kursong aking pinurso para saaking pangarap,
pero di bale kakayanin ko, kakayanin ko ang lahat ng ito
Para sa aking pamilya.
