Wild

9 1 0
                                        





Isang tahimik na baryo sa isang Lugar kung saan may mga pananim na mga tubo, mga Palay, at mga saging na Pag mamay ari ng isang Pamilyang Patil. Isang mayamang angkan na tinitingala at nirerespeto ng buong baryo. Ang pamilya Patil ay mainit Din sa Pulitika. Hindi pa ito natatalo kailanman dahil sa maganda nitong reputasyon at sa kanyang Pamilya. At sumusunod sa kanyang yapak ang kanyang anak na si Prince.

Isang araw nagkaroon ng paligsahan sa larangan ng cricket. Isang sikat na palaro sa kanilang Lugar. Baryo baryo ang labanan dito.

Makikita ang iba't ibang mga kabataang kalalakihan na naglalaro sa gitna ng initan. Ang baryo bittergaon ay natatalo na sa kanilang laban dahil si Mangya ang pumapalo sa bola pero Kahit kailanman ay hindi nito mapatamaan.

Galit na Galit naman ang isang binatang lalaki na nagngangalang Pradeep at ito ay may kapansanan sa kanyang mga paa.

"Hoy Mangya Ayusin mo naman! Matatalo na tayo sa larong ito!" sigaw ni Pradeep.

Umiiling naman na sumagot si Mangya.

"Ay, isa na lang. Last chance. Matatamaan ko din ang bola." anya.

"Sino ba nagpasok sa kanya dyan? Matatalo na tayo oh!" nagtatakang tanong ni Salya na isa din sa mga ka grupo nila.

Maya maya pa, ay inihagis uli ng kalaban ang bola nguni't hindi na naman nya ito natamaan. Naiinis na ang lahat sa mga nangyayari.

"Ano ba yan? Asan na ba kasi si Parsya." takang tanong ni Salya na may halong Inis na. Nag tanong tanong sya sa mga taong nanunuod dun pero hindi niya makita si Parsya.

Samantala, ang binatang si Parsya naman ay nasa tubuhan. Hinihintay ang pagdating ng isang sasakyan kung saan nakasakay duon ang kanyang iniibig na si Archi. Isa sa mga anak na babae ng mga Patil. Hinahabol habol nya ito upang masilayan lamang ang dalaga.

Pumunta sya sa isang poso. Sya ang nagbobomba nito habang nakatingin sa bahay ng mga Patil. Nang mga oras na iyon ay nag iigib din si Annie. Ito ay kaibigan ni Archi. Pero masungit ito.

"Sige na Annie, Ilagay mo na dyan ako na ang magbobomba para sayo." sabi ni Parsya sabay tingin ulit sa bahay nina Archie. Nagbabakasakali na lumabas ang dalaga.

"Ayoko. Ako na lang." sagot ng dalaga.

"Sige na.." Inis naman na sabi ni Parsya sa kanya.

Wala namang nagawa si Annie kundi Ilagay ito. At sa wakas nakita na rin sya ni Salya. Tiningnan sya nito.

"Nandito ka lang pala.. Kanina pa kita hinahanap ikaw pa man din ang Captain namin." sabi ni Salya.

"Bakit hindi ba Pwedeng mag igib ng tubig ang Captain?" sagot naman ni Parsya na naka tingin pa rin sa bahay at tuloy tuloy pa rin sa pag bomba. Hindi nya na namalayan na wala na pala duon si Annie.

"Ay naku.. Umalis na sya. Kaya Tara na." Inis na sabi ni Salya.

Hindi na nakaimik si Parsya ng umalis na si Annie. Kaya sumunod na lang sya dito.

"Oh Tara na." sabi ng binata na si Parsya.

Kalaunan ay nakarating na rin sila sa palaro. Nakita naman sila ng kanilang mga kasamahan at tila nabuhayan sila ng loob.

Pinaalis agad ni Parsya si Mangya.

"Ako na Mangya." anya.

"Isa na lang Parsya. Sige na.." pagmamakaawa ni Mangya.

"Tsk. Alis dyan ako na."

Wala namang nagawa si Mangya kaya sumunod na lang sya. Agad namang nilapitan ni Pradeep si Parsya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WildWhere stories live. Discover now