Minsan talaga sa buhay ay kailangan mo lang talagang mag unwind. Kaya nandito ako ngayon sa bubungan namin habang nakatinggin sa mga bitwing walang tigil sa pag kinang kinang
Habang nakatitig ang sa langit ay napapa isip na lamang ako sa mga bagay bagay na nangyari nitong mga nakaraang araw
Minsan iniisip kong sumuko kaso parang hindi naman ako nag iisip nang tama non.
Habang nakatinggin ay napansin kong may shooting star
"Shooting star oh!" Habang tinuturo ko ito
Naalala ko nga pala kapag daw may shooting star ay maari kang mag wish
Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata at nagsimulang mag wish
"Kahit isang araw lang, isa lang. gusto ko lang tumakas sa mundo ko"
at natapos na akong mag wish. Pero ipinatili ko lamang naka pikit ang mga mata ko
at dahan dahan na akong nakatulog
Pero mag nararamdaman ako, bakit parang ang gaan?
