34. Ang Susi Upang Mapakawalan.

Start from the beginning
                                    

Nang pumatak ang alas-kwarto ng hapon ay kaagad na tumayo si Malayah mula sa pagkakaupo sa kama. Oras na upang simulan ang plano. Wala mang kasiguraduhan si Malayah kung ano ang ihahatid sa kanila ng gabi ay walang takot siyang lumabas ng kwarto at sinabi sa sarili na magiging maayos din ang lahat.

Naglakad siya sa pasilyo patungo sa kwarto ni Aran. Nang makarating sa harap ng pinto ay tila nag-aalangan si Malayah na katukin ito. Ngunit kalaunan ay kanya ring ginawa.

Bumukas ang pinto at lumabas si Aran nang hindi sinasalubong ng tingin ang dalaga.

"Sigurado ka bang gagawin mo ito?" Tanong ni Malayah at kaagad namang tumango si Aran. Napabuntong hininga ang dalaga nang maglakad palayo ang binata nang hindi man lamang siya sinulyapan.

Nagtungo sila sa sala ng bahay. Naroon ay nakaupo sa isang sofa sina Lakan at Sagani. Nang makarating ay tumango sila sa isa't-isa at tahimik na naghintay roon.

Ang sabi ni Luz ay mamaya pa raw ala-sais uuwi ang kanyang Tiyang Nene, ang may-ari ng bahay na tinutuluyan ngayon ng apat.

Ala-sais ay ang simula ng pagpatak ng dilim.

Hindi na kailangan pang ipaliwanag ng mahihinang pagbungisngis ni Luz ang ibig sabihin nito. Sino ba naman ang hindi matutuwa kung ngayong gabi ay hindi na nila kailangang lumipad paalis para maghanap ng bibiktimahin? Naroon na ang kanilang hapunan... nasa loob ng kanilang bahay.

Nang pumatak ang ala-singko ng hapon ay nagkatinginan sina Aran at Malayah at tumango sa isa't-isa. Ang unang hakbang ay tapos na.

Ngunit naalarma ang lahat nang biglang bumukas ang pinto at bumungad ang hapong-hapo na si Liway.

Pagtataka ang sumilay sa mga mukha ng apat sapagkat hindi nila inaasahan ang pagbalik nito. Hindi ito kasama sa plano.

Alas kwatro imedya ay nagpaalam sina Luz at Liway sa apat at sinabing susunduin ang kanilang Tiyang Nene sa bayan. Matapos iyon ay silang apat na lamang ang naroon sa bahay. Sarado na ang karinderya at wala nang mga bata ang naglilisawan sa kalye.

Ang pagkahapo ni Liway ay tila ba senyales ng patakbo niyang pagbalik mula sa kanyang pinanggalingan. Mariing napatitig dito si Malayah at gayon din si Liway sa kanya.

Marahil ay nakikilala na siya nito. Marahil ay napagtanto na ng mga manananggal na hindi lamang mga hapunan ang naligaw sa kanilang lugar bagkus ay ang matagal na nilang hinahanap.

Mabilis ang pagkabog ng dibdib ni Malayah. Hindi pa ito ang oras. Ang inaasahan nilang dumating ay mga halimaw--saktong ala-sais. Ngunit tila hindi makapaghintay ang mga ito at kaagad silang sinalubong.

Pinakiramdaman ni Malayah ang paligid. Tiyak na kasama ni Liway ang mga kalahi niya. Ngunit tila ang dalaga lamang ang naroon. At ang winika nito ay lalo pang nagpagulo sa kanyang isipan.

"Umalis na kayo. Parating na sila!"

--

Batid ni Liway na walang kaalam-alam si Aran kung sino ba talaga siya. At alam din niya na ang tinutukoy ng binata ay ang sarili nito. Ngunit bakit tila sa bawat salita'y may kumukurot sa kanyang 'di pangkaraniwang puso.

Matagal na nitong nais kumawala sa loob ni Liway ngunit hindi niya lamang alam kung paano bubuksan ang pinto.

At ngayon, tila ang estrangherong kanina'y nakaharap at ang mga salita nito lamang pala ang may dala ng susi.

"Kung hindi ko kayang iligtas sa pagkabulok ang mga kasama kong bulaklak, nararapat na kahit ang sarili ko man lamang ay maisalba ko."

Mahilig si Liway sa mga metapora. Madalas siyang nag-uubos ng oras para lamang maintindihan ang nakatagong kaguluhan ng mga ito. At tila dahil sa matagal na pag-eensayo, madali niyang naintindihan ang kay Aran.

MalayahWhere stories live. Discover now