Part 2

1.3K 21 6
                                    

SUNDAY.

May taping si Quen para sa The Buzz, three days after niya bumalik sa trabaho. Meron silang interview ni Julia para sa upcoming teleserye nila. Matapos ang interview ay pumunta na sila sa backstage, pero bago sila makapasok sa dressing room ay nasalubong nila si Kathryn.

"Siiis!" Mahinang tili ni Julia dito.

"Uy sis! Andito ka din pala!" bumeso muna si Kath kay Julia bago bumaling sa binata. "Hi Quen."

"Hello," balik ni Quen dito.

"Naku, mamaya na tayo mag chikahan ha. Ako na daw yung next interview eh." paalam ni Kath sa dalawa.

"Okay okay. Viber ha, gimik naman tayo mamaya or tomorrow kung free ka. Tayo nina Quen."

"Sure! Actually tumambay kami ni Quen sa Greenbelt the other day, by accident lang. Pero sa susunod, dapat complete na tayo sa tropa." ani Kath.

Tumingin ng makahulugan si Julia kay Quen. "Ah, talaga?" bumaling na ito kay Kath. "O sige, next time, sis."

Nagbeso ulit ang dalawang babae bago sila nagpaalamanan. Nang makalayo na si Kath...

"Lumabas pala kayo ha, bat di ka nagkwento?" nakangiting tanong ni Julia kay Quen.

"Sabi naman ni Kath diba, accident lang yun. Nagkita lang kami sa airport."

"Tss, ayaw mo lang makarating kay Dj noh?" dagdag asar pa nito.

"Hindi naman -" di pa siya pinatapos ng bagong ka-loveteam.

"Sabagay may pagka seloso naman talaga yun. Knowing na may past kayo ni Kath."

"Wala kaming past." pagdidiin ni Quen pero nakangiti.

"Pero alam naman ng lahat na muntik mo na syang ligawan, kung di dumating si Dj." umakbay pa si Julia sa kanya.

"Ang tagal na nun."

Nanatili lang sila sa ganung posisyon, parang parehong may iniisip, at hindi nagsasalita.

"Sis -" napatigil sa pagpasok sa dressing room si Kath nang makitang nakaakbay si Julia kay Quen at nakahawak naman si Quen sa beywang nito.

"O, sis, akala ko on-air ka na?" di bumitaw si Julia sa katabi pero si Quen ay parang napaso na tinangal ang hawak kay Julia.

"Nagpalit kami ng segment. P-pero babalik na ko s room ko." sabi ni Kath.

"Okay. Bye sis!"

"Bye. B-bye Quen."

"Sige." walang ibang nasabi ang lalaki hanggang umalis si Kath sa pinto.

My Reality is You (a KathQuen fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon