"Salamat din hijo sa pagpunta. Pasensya ka na talaga"



"Okay lang naman po Manang. May pinagsamahan din naman po kami"



"Sige hijo. Bibili muna ako ng dinner ha. Wala kasi yang kinain kanina. Doon lang ako sa paborito niyang restaurant"



"Sige po Manang. Ingat po kayo"







Pagkaalis ni Manang ay agad na akong umakyat sa taas para puntahan si Bettina. Nasa hallway pa lang ako pero rinig na rinig ko na ang iyak niya. No, actually hagulgol.



Pagbukas ko ng pintuan ay tiyempo namang pagsalo ko nang di sinasadya ng binato niyang lampshade.



"Hey, hey. Anong problema?"



"Kennie? Kennieeee ko!"



Agad naman siyang yumakap sa akin. Rather than mandiri ako, parang may kumurot sa puso kong cease-fire muna this time kasi nakikita ko kung gaano siya kadown ngayon.



I guided her para makaupo kami sa bed niya. Tama nga si Manang, mukhang ako ang makakapagpakalma sa kanya.



"Okay, breathe in, breathe out. Tell me what happened"



"K-k-kennieee" hindi niya natuloy-tuloy ang salita niya dahil sa paghagulgol niya.



"Yes?"



"W-why are my parents like that? Why are they always on Kuya's side?"



"Bakit? Ano ba kasing nangyari?" naghahalo yung pagtataka ko, awa, at pag-iimbestiga na baka may makuha ako kay Bettina na nakokonsensya ako dahil parang sinasamantala ko ang pagkalugmok niya ngayon.



"Mom just called. Nalaman kasi nila na nakulong si Kuya at ako yung sinisisi"



"Sino ba kasing Kuya ito? Nagulat nga ako na may kuya ka pala, sabi mo kasi mag-isa ka lang eh"



"Mag-isang babae. Never ko namang sinabi na mag-isang anak" okay maldita pa din talaga.



"Fine. Oh sino ba yung kuya mo?"



"Basta older brother ko. Lagi na lang nila kinakampihan yung kuya ko eh ako nga yung babae. Lahat na nga ginawa ko for kuya para naman kahit si kuya, maging close ko"



"Natanong mo ba sa kanya if siya nagbanggit sa parents niyo yung about sa nangyari sa kanya?"



"I'm sure na hindi siya yun" bumitaw siya sa pagkakahawak ko sa kamay niya at naglakad papunta sa window na bahagyang nakabukas.



"Pwede ko bang malaman bakit nakulong kuya mo?"



"Because of his wife. That bitch!" 



So may asawa na pala yung kuya niya. "Yung asawa niya ang nagpakulong sa kanya?"



"Ewan ko what happened. Basta ang alam ko, bitch ang asawa niya. Marami na siyang inagaw sa akin, lalo na ang kuya ko na tanging kakampi ko. Ako lang ang baby ng kuya ko pero nang dumating yang babae na yan sa buhay niya, lahat ng atensyon ni Kuya ay sa kanya na napunta"



"Eh kasi nga mag-asawa na sila. Maiintindihan mo rin yun kapag nakapag-asawa ka na rin"



Lumingon siya sa akin at tumitig, "Hindi ko naman na maeexperience ang mag-asawa dahil ang gusto kong mapangasawa, naagaw na rin sa akin"



Filming LoveWhere stories live. Discover now