Akala ko ikaw na ang liwanag sa aking mundong binalot ng dilim
Ngunit bakit tila nasa iba ang sinag ng ilaw ng 'yong araw
Saan ako nagkamali't nagkulang?
Bakit unti-unting lumilinaw na naabot na natin ang ating hangganan?
Saan napunta ang mga salitang "hihintayin kita?"
Bakit nag-iba ang ningning ng 'yong mata?
Kailan ko ulit mahahawakan ang iyong kamay, sinta?
Kailan nawala ang ligaya sa ating dalawa?
Paano ba mabubuo ang tayo?
Kung sa bawat galaw mo, pakiramdam ko nawawasak ako
Hanggang saan ang sakit na'king mararamdaman?
Haggang kailan ako pipikit at magbubulag-bulagan?
Sampung taon, alam kong matagal
Pero hindi ko inaasahan na mabilis ka palang bumitaw.
Kailan kaya ulit magtatagpo ang buwan at araw
Kailan muling magtatagpo ang ako at ikaw?
