"Aziel?! Anong mga pakulo 'to?!" sigaw ko.

Pinagtitripan na yata ako dito. Wala namang tao. Pinunasan ko ang mga luha ko. Nagulat ako ng umilaw ang inaapakan ko.

Papuso ito. Mas lalo akong naiyak. Lumabas na si Aziel at lumapit siya sa akin, nakangiti. Niyakap ko siya kaagad.

I pouted. "Aziel, what's this?"

"Hmm?"

"Ano ba 'to? Para saan 'to?" Tanong ko.

Ngumiti siya at pinunasan ang luha ko. He kissed my forehead at inilayo niya ako sa kanya.

"No, Aziel!" sigaw ko pero bigla naman umilaw ang inaapakan ko pero umilaw din ang maliit na hugis puso parang naging pathway ito. May tatlong puso na maliit ang nandoon.

Umapak si Aziel sa isa at ngumiti sa akin.

"We waited for each other for five years. In those five years, I learned that if I love someone I should wait for her. Wait for her to reach her dream, wait for her to grow up, and wait for her to love me back. And that's what I do. I waited for you for a long time but it's okay, you are worth waiting for." He said and I cried more. He stepped forward.

He smiled at me, "Don't cry. Ilang beses na kitang napa-iyak. Lagot na ako sa Daddy mo."

Tinignan ko siya ng masama kahit punong-puno na ng luha ang mata ko.

"We met. I was in awe when we met and even everyday I saw you I was in awe. Sa tinagal-tagal ng paghihintay nagkita rin tayo. Noong una natakot pa ako pero nung nakita kitang umiyak nawala yung takot ko." He laughed. "Sabi ko sa sarili ko noon kapag nagkita na tayo hindi na kita papakawalan. Alexandra Gail Savedra hinding-hindi na kita papakawalan." He grinned.

I laughed while crying. Mugtong-mugto na ang mga mata ko. Humakbang ulit siya papalapit sa akin.

"November 16. We're finally official. Thank you for making me your boyfriend. I'm so lucky." Lumapit na siya sa akin. He wiped my tears but when he wiped my tears umiiyak na rin siya. Ang iyakin.

"I love you. Thank you for making me a better man. Thank you for accepting me even though I'm asshole back then. My aurora, every time I saw you, you never failed to inspire me. You're my inspiration. I realized that I wanted to spend my life with you and I can't see my rest of life without you."

I gasped when he slowly knelt down.

"Saksi ang aurora borealis ngayon sa gagawin ko." Wika niya.

Nagulat ako ng umilaw ang nasa harapan niya at nagform ito ng mga letter. Lumiwanag din ang buong lugar at nakita ko ang buong angkan ng Dela Fuente at nakita ko rin sila Mommy at ang mga kaibigan ko.

Nagsimula na naman ang mga luha ko ng basahin ko ang nakasulat doon sa harapan ko.

'Will you marry me, Madame?'

"You are asking me a while ago why I'm calling you my aurora. Aurora in sky. Aurora is a colorful light na makikita natin sa langit at dahil ito sa araw. Kapag malapit ka sa North Pole tinatawag itong northern lights or aurora borealis." Paliwanag niya. "You are my northern lights in the starry sky. The aurora, a rare and magnificent phenomenon."

"Ikaw ang aurora ko dahil binigyan mo ng kulay at ilaw ang buhay ko kumbaga ako ang langit. Ang madilim na kalangitan na bibigyan mo ng liwanag. Katulad din ng aurora borealis inaabangan din ng mga tao ang pagsasama natin." He softly said and my heart melts.

I'm his aurora. His rare and magnificent phenomenon. 

He gently smiled. "Sa harapan ng pamilya natin at mga kaibigan. Sa ilalim ng magandang aurora borealis at sa harap ng aking aurora. Will you be my lifetime aurora, Madame?" He asked and opened the velvet box.

I gasped when I saw an expensive engagement ring. I know that the ring is expensive because I'm planning to buy it and add to my collection but it's cost over 225 million in pesos. It's a 24-carat diamond solitaire flanked by two more large diamonds.

"A-Are you for real?" Nauutal ko pa na tanong. Natawa silang lahat sa tanong ko.

"Yes, Madame." I smiled at nagsibagsakan na ang luha ko.

"Again. Will you be my lifetime aurora, Madame Alexandra Gail Savedra?" he asked again.

I nodded. "Yes! Of course!"

Isinuot niya ang singsing sa ring finger ko. Nandoon din ang promise ring na ibinigay niya sa akin.

He stood up and kissed me. I kissed him back. Narinig ko ang palakpak ng pamilya namin at kasabay nito ang pagtugtog.

I swear (and I swear)
Like the shadow that's by your side
I'll be there (I'll be there)

For better or worse (better or worse)
'Til death do us part (oh, no)
I'll love you with every single beat of my heart
I swear
I swear
I swear

Humilig ako sa dibdib ni Aziel at sabay namin na pinanood ang aurora borealis. This is the best moment of my life. And like the song he sang for me. I swear I'll love him with every single beat of my heart.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now