Dahil maraming oras ang kakatayin, at ayaw niya pang umuwi dahil alam niyang mag-isa na naman siya sa bahay. Makikipag-usap na naman siya sa mga dingding na dating sinasandalan ng kanyang Mama. Bakas sa bawat gaspang ng pader na hindi natapos pakinisin ang bawat pagod ng kanyang ina noong kasalukuyan pang nakikipagbuno sa tadhana sa ibang bansa. Pagod na rin siyang makipag-heart to heart talk sa bubong ng bahay nilang kalahati lamang ang may kisame, na minsang naging silong ng Mama niya. Pagod na rin siyang mag-isa.

Napag-isipan niyang pumunta sa mall. 

Pero hindi siya pupunta sa Department Store section nito para lang makabili ng damit. Sapat na sa kanya ang ukay-ukay. Ang amoy lang naman ang hindi niya gusto. Karaniwan pa sa mga picks niya ay matitino naman, kumbaga ay napagtitiyagaan. Madalas pa ngang napagkakamalang galing pa sa Kultyur o Awtwurk ang mga damit niya. Nasa nagdadala. 

Natutunan niya sa mga kaibigan niya na hindi ka dapat nagi-invest sa damit. Palaging nagbabago ang mga usong damit. Kung kahapon uso ang maiksing short, ngayon naman uso ang mahahabang t-shirt. Ang pinagtataka niya nga lang ay kung bakit mas mahal pa 'yung sirang pantalon (ripped jeans) kaysa sa mga maayos pa. 

Hindi rin para kumain, dahil lagi niyang kinocompute kung ilang pack na ng Pancit Canton ang kakasya sa isang order sa isang fastfood at kadalasan, nanghihinayang siya. Major kuripot. Sapat nang nakikita niyang tumatagas ang nagmamantikang manok na pinirito para pigilan niyang kumain. No to cholesterol. 

Pumunta siya kung saan siya mapayapa. Kung saan clear lahat ng bagay-bagay sa isip niya. Sa Emporio. Tindahan ng mga musical instruments.

Ilang hakbang pa ang layo niya dito ay naririnig na niya ang mga nagsa-sample sa inaalok ditong instruments.

Flat.

Sharp.

Wala sa tempo.

Flat ulit parang 'yong dede nung ex niya, o kaya 'yong ilong nung pinalit sa kanya ng ex niya.

Sharp.

Ano bang meron sa tenga nila? Hindi ba nila marinig na ang layo na nila sa tamang nota? Tumatakbo sa isip niya.

Dumiretso siya sa violin section. Matinding binusisi ang bawat kwerdas ng bayolin, tiningnan kung tatama ang tono ng bawat isa sa tingin pa lamang. Iniangat niya ang etiketa ng nasabing instrumento. Bumungad ang barcode at presyong tumataginting.

Mabibili rin kita, hintay ka lang. 

Maya-maya ay lumapit na ang kaibigan niyang sales rep. Normal ang porma ng kanyang parekoy. Naka-itim na pantalon at sapatos, naka-long sleeves, at chalecong itim na nakapatong sa puting damit na pinaibabawan ng isang itim din na bowtie. Kung hindi mo natatanaw ang mga instrumentong pang-musika ay mapagkakamalan mo siyang waiter sa isang bar.

"Oy pare. Magkano nalang kulang? Ako nalang mag-aambag.", bungad ni Edge, nakakilala niya lang dito mismo sa Emporio.

Edgar talaga ang pangalan nito, pero hindi na raw kasi napapanahon kaya nag-inarte, ayon naging Egay. Uso kasi noon 'yong mga tunog reggae, ang lakas maka-cool daw noong tunog kaso dahil lahat nagbabago, nagbago rin ang pananaw ng tao sa palayaw na Egay.

Tunog parlorista a daw, taliwas sa napakalaki nitong katawan, na nahubog dahil sa pagiging kargador sa palengke noong kabataan. Napag-isipan niya ulit itong palitan, at ao pa nga ba't naging Edge. 

Choose MeWhere stories live. Discover now