By:Lebron Dwyane Tolentino
Maraming taon na rin ang hinintay
Para lamang mapasakamay
Ang pag ibig na dakila at tunay
Ako sana sa iyo'y manahay
Halos 3 taon na akong nangungulila
Tila ba pag-asa akin ay mistulang nawawala.
Kapag ika'y kaharap na nahihiya umuurong ang dila.
Masasabi ko pa kaya? Lihim kong pagtingin ito ang aking wika.
Masasabi mo bang ako sayo ba'y mahalaga
Kung ano ngiti ko sayo lang naging masaya.
Lihim kong pagtingin, sasabihin ipapakita pa kaya?
Parang wala ng pag-asa susuko na kaya?
Kinakabahan ako saiyong sasabihin pag ako'y umamin
Sana nga marinig ko ang salitang "Ikay aking mahal rin"
Ito raw pag ibig ay akin nang sundin
Ngunit handa mo rin ba akong tanggapin?
Alam kong di mo parin pansin, na ako sa 'yo may lihim na pagtingin,
pagkat dyan sa puso mo ay meron nang nag-aangkin,
kitay aking hihintayin parin,
Wala namang impossible basta manalangin
Tatanggapin ko nga lang ba?
Tanggapin na kaibigan nalang talaga
Hindi ko narin ipipilit at pagsisikan sarili ko
Dahil masakit lang naman isipin na hindi talaga tayo.
Pagpasensyahan mo na kung naglihim ako.
Nilihim kong wala akong pagtingin sayo
Tanggap ko narin namang kaibigan mo lang ako
Pero kahit na ganon, nandito lang ako maghihintay lamang sayo.
YOU ARE READING
ANG TULA NG AKING PAG-IBIG
PoetryHindi lang tula ko ang nilalaman nito kundi pati ang mga tula ng mga kaibigan ko "Ito ay tula patungkol sa lalaking minamahal ko ngunit hindi niya makita ang halaga ko." "Ang tulang ito ay patungkol sa lalaking minahal ko kahit na dalawang taon ang...
