ENCANTADIA (ViceRylle Version) Kabanata 1 : Bagong Yugto

34 0 0
                                        

THIRD PERSON'S POV

Isang buwan matapos ang Huling Digmaan sa Encantadia ay maraming lumisang mga encantado iilan rito ay sina Haring Ybrahim at ang kaisa isang anak na babae nina Ybarro at Alena na si Armea. Nagluksa ang buong Encantadia lalong lalo na ang Sapiro sa pagkawala ng kanilang hari at prinsesa. Dahil sa sakit na nadarama ay nagkulong sa kanyang silid si Reyna Alena at napagkasunduan ng Konseho ng Sapiro na si Sang'gre Amihan na muna ang mamuno sa kaharian dahil isa rin naman siyang dugong bughaw na sapiryan bukod sa pagiging Sang'gre sa kadahilanang anak sya ni Prinsipe Raquim ng Sapiro.

Ngunit nagbago ang lahat ng makilala nya ang isang Sapiryang nagngangalang Amram. Isa rin itong dugong bughaw sa lahi ng ama ng dating haring Meno.



Lumipas ang isang taon ay ginanap ang pag iisang dibdib ni Sang'gre Alena at Amram. Itinalaga narin ng Konseho si Amram bilang bagong hari ng Sapiro dahil isa din naman syang dugong bughaw. Pagkatapos ng isang taon ay biniyayaan ng isang Prinsesa sing Reyna Alena at Haring Amram na pinangalanan nilang Aaliyah.

Habang si Sang'gre Danaya parin ang Reyna ng Lireo, at mayroon na rin itong anak sa yumaong Punong Kawal ng Lireo na si Aquil at pinangalanan niya itong Aqenaya o Sang'gre Naya.

Masaya ang lahat dahil sa wakas ay nakamtan narin nila ang inaasam asam na kapayapaan. Ngunit magtatagal ba ang kapayapaang ito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Encantadia SeriesStories to obsess over. Discover now