Simula

702 11 2
                                    

Simula

Unfamiliar

Sa gitna ng madilim, malabong paningin at malamig na paligid ay hinayaan ko ang sarili kong mag paalon lamang sa agos ng ilalim ng karagatan. 

Tumingala ako at tiningnan ang ilaw mula sa itaas. Ang repleksyong gulong anyo ng bilog na buwan ay nagbibigay ng kaunting liwanag sa malawak at madilim na dagat. 

Inilagay ko ang isang kamay sa aking mga mata dahil sa pagkasilaw sa kaliwanagan habang hinahayaan ang sarili na lumutang na lamang at wala ng balak pang iligtas ang sarili sa gitna ng nababalot na dilim sa mundo upang humanap ng liwanag na mag bibigay ng pag asa. 

Liwanag... 

Mariin akong pumikit at kaagad kong tinakpan ang aking mga mata ng tumama ang liwanag ng araw sa akin. 

Nag- inat kaagad ako sa aking matigas na higaan bago tuluyang bumangon para maghanda na sa buong araw na alam kong mababalot na naman ng kahirapan. 

Huminga ako ng malalim at tumingin muna sa kawalan rito sa aking madilim at masikip na kwarto. 

Ilang segundo lamang ang pinalipas ko sa pag tulala ay agad ko na rin sinimulang tiklupin ang banig at kulambo mula sa aking higaan.

Tinanggal ko ang pag kakatali apat na dulo ng aking kulambo sa iba't ibang bahagi ng aking silid. Inirolyo ko naman ang banig na nakalatag sa aking papag. Tiniklop ko ang isang manipis na kumot bago ito dagnan ng unan kasama ng kulambo. 

Niyakap ko ang sarili dahil sa sumalubong na lamig sa akin nang lumabas ako sa aming bahay na ang kalahati ay kahoy ang haligi. 

Humikab ako habang pinapanood ang paglitaw ng araw. 

Panibagong liwanag, panibagong pag-asa. 

"Dawn is the peak of the new beginning everyday and sunrise will make your day bright again in the dark yesterday..." 

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. 

Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo ng bigla na lamang akong may narinig sa paligid at maramdaman ang kaunting pagkahilo. 

"Hay nako Eva! Masyado mo na kasing pinapagod ang sarili mo sa bukid kaya ayan kung ano- ano na ang naririnig mo." Pag kausap ko sa sarili nang makapasok na muli ako sa loob ng aming bahay. 

Pumunta ako sa likurang kusina, mag tutuloy tuloy na sana ako sa paglakad ngunit napahinto ako nang mapasin kong maputik ang loob dahil sa naging ulan kahapon. 

Nag suot akong tsinelas. Kinuha ko ang garapon na may konti na lamang laman na itim na kape kasama ng isang garapon na asukal. 

Bago pumasok muli sa sala ay nag pakulo muna ako ng mainit na tubig sa aming kalan na de kahoy pagkatapos ay nag saing na rin ako. 

Madali akong uminom ng kape kahit na gusto ko pa talagang mag muni- muni bago maligo pero wala akong magagawa dahil kailangan kong kumayod araw araw at hindi tumulala lamang sa isang tabi. 

"Ay palaka!" Napahiyaw ako at napasapo sa aking dibdib nang makita si Ferros na walang saplot pang itaas habang naghahalo ng isang tasang kape. 

"Why- I mean- Bakit? May problema... ba?" Paos ang boses na ani niya dulot ng kakagising niya lamang ngayong umaga. 

Napalunok ako at agad na hinagis sa kanya ang tuwalya. Agad naman siyang pumikit at tumalikod sa pag aakala na wala pa akong suot pangbaba.

"M-Maligo kana. Maghapon na naman tayo sa bukid." Ilang na sabi ko bago pumasok sa aking kwarto. 

Losing Me, Loving You ( Teenage Series #2)Where stories live. Discover now