Chapter 27.7 - LOVE RAIN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nakalock ang pinto?" tss >_< nalock ako dito sa room kasama ang nakakatakot na si Ash Empire >_< Lokong Max!

"Aish!" naface palm nalang si Ash. Ako naman, hindi ko alam ang dapat kong gawin ngayon. Tumawag na kaya ako ng SOS? :|

Nakakabingi ang katahimikan. As in dead air talaga. >_< Walang gustong magsalita sa aming dalawa. Ayoko naman mag open ng conversation, sabihan pa akong feeling close nito.

Sa sobrang katahimikan, ayan at nagbuhos tuloy ng ulan mula sa kalangitan. Lumapit ako sa bintana para tignan nalang yun. Nasaan na kaya ang mga baliw kong kaibigan? Nagugutom na ako ( _ _)

Biglang lumakas ang ulan, kumukulog, at kukidlat na rin.

"WAAAHHHHHH" sa gulat ko sa biglang pag kulog at kidlat napasigaw tuloy ako, tahimik kasi masyado at mas nakakatakot yung tunog nun >_< napaupo ako at nagtakip ng tenga

May sinasabi si Ash pero hindi ko maintindihan dahil malakas talaga ang ulan na sinasabayan ng kulog at kidlat.

"Ayos ka lang?" nandito na sa harapan ko si Ash kaya narinig ko na siya

"Uh uh" tango ko tapos biglang "WAAAAAAAHHHHH"

Eh? >//////////<

What happened? Sa gulat ko napayakap ako kay Ash, itinago ko agad yung mukha ko sa chest niya. Hindi siya nakayakap o nakahawak sa akin, ako lang ito nakatsansing dahil sa takot ko.

Nang marealize ko na nakakahiya ang ginawa ko unti-unti akong lumayo sa kanya tapos ganito na pala ang reaction niya --> (O___O)

"S-sorry." napayuko ako sa sobrang hiya ( _ _)

Hindi siya nagsasalita kaya ako habang nakaupo e sumandal nalang sa wall. Para kung sakaling kumidlat at kumulog ulit e maging prepare naman ako.

"WAAAAAAHHH!" kainis na! Kakasabi ko lang dapat prepare ako pero hindi ko maiwasang hindi mapatili eh

Next thing I know, umupo na rin sa tabi ko si Ash. Nilagay niya yung left earphone niya sa right ear ko, nakatodo yung tunog nun at dahil dun medyo mahina ang pandinig ko sa ulan.

Korean song yung tumutunog. Hindi ko alam na mahilig din pala siya sa ganito. Hindi familiar sa akin ang kanta at malamang hindi ko rin maintindihan pero maganda ang tunog, nakakawala ng kaba.

Pag naririnig ko yung kulog at kidlat medyo nagugulat pa rin ako. Napatingin nalang ako kay Ash nang mas lumapit siya sa akin, dumikit siya nang hindi man lang nakatingin tapos biglang hinawakan niya ang ulo ko at malumanay na ginaguide yun papunta sa balikat niya. Nakapatong ang ulo ko sa left shoulder niya.

Kahit na nagtataka ako sa ginagawa niya, kahit papaano thankful ako na dahil sa kanya nalessen yung takot na nararamdaman ko. Dahil sa lalaking kinakatakutan ko.

***

ASH's POV

I'm with her, with the girl I like, no, scratch that! I'm with the girl I love.

Wala na yatang tao na mas sasaya pa sa akin ngayon. Kasama ko siya, kami lang dalawa habang umuulan.

Nakapatong ang ulo niya sa balikat ko. Natatakot siya kanina pa at hindi ko alam ang gagawin ko para icomfort siya. Gusto ko siyang yakapin kaso naman nahihiya ako, dapat kasi niyakap ko na siya kaninang bigla siyang napayakap sa akin, nagulat kasi ako kaya hindi ako agad nakapagreact. Pero ayos na rin ang ganito.

Malamang hindi niya naiintindihan tong kanta na nagplay sa ipod ko, pero sana one day ako mismo ang makapagsabi sa kanya ng ibig sabihin nito. Nung marinig ko to noon, siya agad ang naalala ko. Nagtataka ba kayo kung bakit ako nakakaintindi ng Korean? Nung bata pa ako tumira kami dun dahil sa business ng pamilya.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon