"So kailan kapa naging lawyer? And hindi naman nila malalaman saka gayang gaya ko kaya signature mo" pag mamayabang niya at kinindatan pa ako, well tulad ng sabi niya, I have no choice dahil nandito na to at mukang malakas naman but...

"Divine Pleasures talaga cha? Parang puro kababalaghan naman yun eh" tanong ko bago kami umakyat sa second floor, "Duh! Yun nga gusto ng mga tao eh, mga kalokohan, pero walang mga prostitute dito ha! malinis tong bar natin..." panimula niya ulit at kinindatan pa ako.

"I doubt that" sagot ko habang nalingon lingon sa tables, "Luh! Oo nga, syempre may mga dancers pero mga disente yon, yung isa nga teacher pa eh saka walang mga private room dito hindi tulad sa ibang bar na puro ungol naririnig" saad niya pa, sira ulo talaga to.

"Saka divine pleasures kasi, pleasure from drinking ganon, saka momol lang nangyayare dito noh! Ah basta pumunta ka nalang dito pag trip mo para makita mo kung ano nangyayare, and kilala kana ng lahat ng staff dahil sabi ko stalk ka nila" mukang wala na talaga akong choice jusko.

"Sabi sa labas 24hrs open, eh baket walang tao? Baka naman nalulugi na to ha" pang aasar ko, agad naman ako nilingon ni cha with her freaking mad face, shit. "Joke lang eh" pag bawi ko at ngumiti na ng malawak, "SYEMPRE PINASARA KO DAHIL IINOM TAYO!" sigaw niya in my freaking face.

"LAWAY MO TALSIKAN NA!!!" sigaw ko pabalik, sa muka niya din, sabay naman kaming umirap at bumaba na sa bar counter. I guess dahil walang tao, kami din kukuha at gagawa ng sarili naming inumin. Sana manlang nag- iwan siya ng kahit isang bartender. Talino din talaga.

Pinagmasdan ko ulit yung place at malaki siya dito sa baba may arcade, may billiard table, may darts, at merong pang beer pong. Sa taas naman, I guess yung pang VIP and VVIP, malaki din naman, maluwag and comfy yung mga upuan.

"Here" at inabot na ni cha yung glass of whiskey, "it's fucking 3pm cha" sagot ko at umiling pa dahil ayoko pang uminom, pero tinaasan niya lang ako ng kilay kaya kinuha kona. I took a sip at mukang makakarami ako.

"So..." panimula ni cha, "October na next week, wala ka parin plano?" tanong ni cha, "I don't know, alam kong kailangan ko magbago pero hindi ko alam kung saan magsisimula" sagot ko dahil totoo naman, alam kong kailangan ko magbago dahil yun yung hiniling ni Bianca, pero hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa.

"How about wag mona balikan at hanap kana ng bago- " seryosong sagot ni cha, "Bahala ka nga jan! di ka naman nakakatulong eh" pagputol ko at binaba na yung baso, sarap sapakin ni Charlize minsan eh, hindi siya kumibo kaya naglakad na ako.

"Patapusin moko Yumi." Saad niya bago kopa mahawakan yung door handle, "What I'm saying is, wag mona balikan yung dating ikaw at hanapin mona yung bago ikaw, simulan mo ng buoin" paliwanag niya, "Come here" dagdag niya pa kaya humarap na ulit ako at naglakad na pabalik sakanya, "Linawin mo kasi!" irita kong sabi at hinampas pa yung braso niya.

"Di mo kasi ako pinapatapos eh" sagot niya at inirapan pa ako, "Feeling ko kai- " "mamaya na yan let's play muna" pag putol niya at hinila na agad ako sa billiard table, "8 ball muna, chug pag natalo" saad ni cha at inabot na sakin yung cue ball.

Sumargo na ako at naka shoot ako ng dalawang stripes, tumira ulit ako at nag sunod sunod na, last 2 balls na bago yung 8 ball, sinisipat kona yung number 10 ng... "HOY!!" biglang sigaw ni cha, shuta. Sumala tuloy.

Sinamaan ko siya ng tingin habang siya tuwang tuwa sa ginawa niya, "daya mo!" saad ko at nag sip na ulit sa whiskey ko. And as expected, talo ako, kainis. Nung nandito kasi ako sa U.S dati, puro bar at bilyar kami, puro darts, beer pong at lahat na ata ng sugal nasubukan namin ni cha, ganon ata talaga pag broken ka.

Mula noon, Hanggang ngayon (BiaMi)Where stories live. Discover now