Part 1

1.3K 41 0
                                    

20th birthday


Busying busy ang lahat ng tao sa mansyon ng Montenegro. Ngayon na kasi ang 20th birthday ko. Medjo kinakabahan ako. Ewan ko kung bakit e sanay naman ako sa gantong party. Tuwing birthday ko naman ganto except lang last year.



"Ang ganda mo ma'am kahit hindi kana ata lagyan ng make up. Pwede kana ilaban sa beauty pageant e" make up artist said. Tumawa lamang ako sa sinabi nya. Halata naman binobola lamang ako nito. Lagi naman ganyan ang sinasabi ng mga nag memake up sakin wala nang bago


Mag uumpisa na ang birthday ko ang sobrang elegant ng party hindi halatang nirush ito ni mommy. Dahil almost perfect ito. Ganon siguro talaga kapag madaming connection, madaming amiga si mommy kaya hindi na nakakapagtaka lahat nang ito




Nakasuot ako ng red long gown na backless at kumikinang kinang ito dahil sa diamond bids na nakapalibot sa buong gown.



Ng pababa na ako sa engrandeng hagdan sinalubong ako ng aking kuya na si Clyde upang alalayan pababang papuntang stage


Napatingin ako sa kapatid ko nakasuot sya ng slim-fit tuxedo suit na navy blue. Nangingibabaw yung kagwapuhan nya dahil don. Matangos ang ilong, dark brown almond eyes, pareho kami ng mata galing Kay daddy. perfect defined jawline. Siguro kung hindi ko sya kapatid magkakagusto ko sakanya e kaso malas nya kapatid nya ko.


Nang makarating na kami sa stage "Let's welcome the birthday girl Angel Montenegro" emci said. nagpalakpakan naman ang lahat ng bisita. Nilibot ko ang aking tingin sa mga bisita na nandito upang tignan kung sino sino ang dumalo ngunit hindi ko pa nakikita lahat  napako na agad ang aking mata sa Isang lalaki na nasa harap di masyadong kaluyuan sa stage.




Hindi ko alam kung paano ako mag rereact, ngayon ko sya ulit sya nakita at nakatingin din sya sakin yung tingin nyang parang ako lang yung nakikita nya na parang pag lumingon sya sa iba mawawala ako sa harap nya at parang anytime pwede akong malusaw dahil sa tingin nya.

Ang lalaking ito ay si Sandro Marcos. Ang panganay na anak ng presidente at ang hinahangaan kong lalaki simula nang 1st year college pa lamang ako



Mayamaya nagumpisa nang kumanta ang mga bisita ng birthday song para sakin unti unti na din nilalabas ang cake kong napakalaki pero yung tingin ko ay nakapako pa din kay Sandro Marcos  nakatitig din sya sakin habang seryoso syang kumakanta katulad ng mga bisita



nang matapos ang kanta at pag blow ko ng cake. Nagbigay ng onting speech ang mga magulang ko pati na din ang mga ibang malalapit kong kaibigan na galing pa sa manila. .

"Darling, let's go ipapakilala kita sa mga Amigas ko" mommy said. Pagkababa ko ng stage. Ganto naman lagi ang eksena tuwing birthday ko lagi akong sinasama ni mommy upang pumunta sa bawat table pero masaya din naman ako dahil nakakausap na eentertain ko ang mga bisita sa birthday ko

Nag umpisa na kaming mag libot ni mommy, may mga bumabati saakin at nangangamusta sa buhay manila ko

Nang papalapit na kami sa pwesto ng mga marcos nag umpisa nang manlamig na ang aking mga kamay dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit dahil hindi naman ako ganto sa ibang table na nilapitan namin ni mommy. Sobrang elegante talaga tignan ang mga marcos  lalo na si Mrs Irene Marcos-Araneta.




Nang tuluyan na kaming nakalapit.
"Hi, I would like to introduce my daughter angel" mom said, nginitian ako ng mga taong nasa lamesa na iyon. Kaya ngumiti na din ako pabalik kahit sa loob looban ko kinakabahan talaga ko.



"Hi angel happy birthday my dear" nakangiting sabi ni atty. Liza Marcos at nakipag beso sya sakin. Ngumiti ako sakanya. Ang ganda nya parang hindi tumatanda yung muka nya kung gano sya kaganda sa mga picture and video nya sa social media ganon talaga sya kaganda


"Thankyou atty. Liza" nahihiyang sabi ko, natawa naman sya dahil don.


Hinawakan nya ang braso ko "you can call me tita Liza, ito talaga di pa nasanay amiga ko naman ang mom mo" natatawang sabi nya sakin, tumango na lamang ako sakanya at ngumiti

"Happy birthday unica hija ng mga Montenegro" masayang bati saakin ni president bong bong marcos kaya nginitian ko sya at yumuko bilang pasasalamat sa kanyang pag bati sakin at pag galang sakanya


habang binabati ako ng mga nakakatandang marcos hindi ko maiwasan tumingin saaking gilid dahil nararamdaman kong may nakatingin sakin  medjo hindi ako komportable at kinakabahan ako dahil dito kaya onti onti akong lumingon dahil baka guni guni ko lang yon dahil sa kabang nararamdaman ko


Pag lingon ko sumalubong saakin ang ngiti ni Simon kita pa ang Indian dimples nya "Happy birthday angel" nakangiting sabi nya, nginitian ko naman sya agad pabalik, lumapit sya sakin upang makapag beso kami nung una nagulat pa ako dahil don pero hindi ko ito pinahalata at nakipag beso na din sakanya



Pag katapos ko makipag beso kay simon may nagsalita naman sa kabilang gilid ko kaya napatingin ako dito "Happy 20th birthday Angel" Vinny said at Ngumiti sya sakin ng wagas. Katulad ng mga nakikita ko sa internet na ngiti nya. ganon talaga sya ngumiti kahit kanino kaya hindi mapagkakaila na madaming nabibighani sakanya dahil sa kacutan taglay nya

Kabado naman akong napatingin sa huling nag salita "Happy birthday gel" ang lalim ng boses ng pag sasalita nya. Parang nag taasan ang mga lahat balahibo ko sa katawan dahil don. Hindi ako makatingin sa mata nya ng maayos dahil para akong matutunaw sa titig nya sakin. Hanggang ngayon hindi pa din ito nagbabago kung paano tumingin ang sandrong nagustuhan ko at nakasama noong first year college pa lamang ako at kung pano sya makaapekto sakin. 2yrs nang nakakaraan madami nang nagbago samin dalawa, nagbago na din ang itsura nya mas lalo syang gwumapo at pumuti pero yung titig at ipekto nya sakin ganon pa din parang walang nagbago, parang kahapon lang nangyari lahat ng nakaraan.














His private girlfriend (Sandro Marcos)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin