Double J's Renewal of Vows(Part 2)

222 15 2
                                    

Nagising ako kinabukasan na wala si Josh sa tabi ko.Agad naman akong nagasikaso bago bumaba.Naabutan ko naman silang nagaayos ng dining.

"Good morning Dada"masayang bati sakin ni Celine saka humalik pisngi ko

"Good morning Da"ganun din si JK

Nilingon ko naman si Josh na nagluluto.Agad akong lumapit at yumakap sa likod niya

"Good morning Tangi"bati ko saka siya hinalikan sa pisngi

"Good morning"humarap naman siya saka ako binigyan ng halik sa labi

"Himala hindi sila Manang ang naabutan ko dito sa kusina"sabi ko saka tumulong sa pagaayos

"Aga nanggising ni Papa ea gusto ka daw po lutuan ng breakfast"sagot namn ni Celine

Anniversary nga pala namin ngayon

"Happy Anniversary Papa and Dada"yumakap sakin si Celine

"Thankyou baby"sabi ko sa kanya saka siya hinalikan sa noo

"Happy Anniversary Papa and Dada"niyakap naman ni JK ang papa niya

Napatingin naman ako kay Josh saka matamis na ngumiti sa kanya.Kumawala siya sa yakap ni JK saka lumapit sakin at hinalikan ako sa noo.

"Happy Anniversary Tangi"bulong niya saka ako niyakap, yumakap naman samin ang dalawa

"Happy Anniversary Tangi"sagot ko sa kanya

"Let's get ready na Pa and Da para makapunta na tayo sa resort"sabi ni Celine saka umalis sa yakap

Nagasikaso naman kami at nilagay ko sa ibabaw ng kama ang dapat niyang suotin.I prepared two suits for him.I want this to be memorable.

"Suit Tangi?"takang tanong niya ng makalabas ng bathroom

"No more buts Tangi, paglabas ko ng bathroom dapat nakasuit ka na"sabi ko saka dumiretso sa bathroom para maligo

After ko maligo dumiretso ako sa walk-in closet para maghanap ng damit.

"Hey bakit ikaw nakaganyan?"nakakunot noong tanong niya

Ngumiti lang ako sa kanya saka lumapit para halikan siya

"Ready kana?"tanong ko

Tumango siya saka kami lumabas.Nakita ko naman ang note ni JK at Celine sa center table.

"Bakit nauna yung dalawa?"tanong niya sakin

Nagkibitbalikat lang ako saka naunang lumabas ng bahay.Siya daw magdridrive kaya Malaya akong iupdate ang mga tao sa resort.

"Tangi"napalingon ako ng hawakan niya ang hita ko

"Hmmmm"

"Pakasal tayo ulit"muntik ko na mabitawan ang cellphone ko dahil sa sinabi niya

"Tas ampon ulit tayo,namiss ko na magkaroon ng baby sa bahay"dugtong pa niya

Hindi ako nakasagot sa kanya hanggang sa makarating kami ng resort.

"Tangi wait lang"rinig kong sabi niya ng tumakbo ako papasok

Sobrang akong binalot ng Kaba dahil baka nabuko na niya ang Plano ko.Dumiretso ko sa office ni Stell para magayos.Natext na nila ko na kasama na daw nila si Josh Pero hinahanap ako.

Sinuot ko ang suit na ginamit ko nung kasal namin.Nakangiti akong pumunta sa garden area ng resort.

As I walk in the aisle gusto ko maiyak dahil anytime soon siya na ang makikita kong naglalakad papalapit sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Renewal of VowsWhere stories live. Discover now