Hinaplos ni daddy ang aking pisngi. Nag iwas lamang ako ng tingin sa kanya. Nanatili ang tingin ko sa sahig at ang mga luha ko ay umuurong.

"Yes, dad. I know. I understand. Kahit na sa totoo lang ay sobrang sakit sa akin, pero iniintindi kita."

Humagulhol si daddy dahil sa sinabi ko. "I'm sorry. I'm sorry." paulit ulit niyang sinabi.

"I'm not asking you to turn your back on Arielle for me, dad. Kung iyan ang iniisip mo. What I'm asking is your genuine affection and care for me. Tulad nang ginagawa mo dati sa akin. Nong hindi pa pumapasok si Arielle sa buhay mo. Iyon ang gusto ko. Iyon ang miss na miss ko na. I don't mind if we share. I don't mind if you want to give her more attention, I just want you to understand that I've been hurt and respect my emotions, dad. I just want you to love me like before."

Matigas ang boses ko. Umawang ang bibig ni daddy sa sinabi ko.

"I love you and I care for you, Avon."

Tumango ako at pagod na ngumiti. Hindi ko alam, dad. Hindi ko po iyon naramdaman. Ngunit hindi ko na iyon isasatinig. Ang masabi iyon kay daddy at ang marinig itong mga kataga galing sa kanya ay naging tama na para sa akin.

Kung mayron man akong natutunan sa mga nangyari, iyon ay huwag pilitin ang lahat. May tamang panahon para sa lahat. Kung gusto niya ngang ibalik ito sa dati ay bibigyan ko siya ng panahon para gawin iyon. Hindi ko pipilitin na ngayon kaagad. We are all wounded. Wounds don't heal in a matter of minutes, hours, nor days. Maghihintay ako. Hanggang sa maghilom ako, maghilom si daddy, at manatiling alaala ang lahat. I will hope for that.

"And I am so sorry for everything. Avon, hindi mo kailangang umalis," masuyo niyang sinabi.

"Hindi po ako ang dapat mong pinipigilan, dad. I will go, no matter what you say. Cebu is my home. I want to take a break. Si mommy ang dapat mong pigilan."

Nanlaki ang mata ni daddy at bumagsak ang kanyang kamay. Hindi niya inasahan ang sinabi ko.

Although I don't support unhappy marriages but still they deserve to talk. Kahit na sobra sobra ang galit ko kay daddy, alam kong siya ang buhay ni mommy. They should talk it out. Tsaka na sila magdedesisyon pag nakapag usap na sila.

"Your mom leaving?" hindi makapaniwalang tanong.

"You two should talk."

Tiningnan ko ang aking relo bago dinampot ang bagahe. Tinitigan lamang ako ni daddy, may takot sa mga mata.

"Avon, you shouldn't leave," ulit ni daddy.

"If you want Brandon to be with Arielle, then, dad, you should support my decision."

Umiling siya. "M-Maybe I can talk to Arielle. We can talk this out. I-I'll call Camila to come over and we'll think of a way..."

Kung nagpabago man sa desisyon ni daddy ang desisyon ko ngayon ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Umiling na lang ulit ako at hinawakan ko ang braso niya.

"That's enough, dad. I'm fine. Brandon... I'll forget him. Arielle won't. He's part of her life. She needs him more than I need him. Hindi po ako nagpapaka martyr, alam ko lang po na kaya ko po ito kumpara kay Arielle. She'd lose her mind without him."

One Night, One Lie (GLS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon