"Aria, tawagan mo daw si Kuya Jaccobe" utos saakin ni Rucel habang break time namin.
"Huh? Bakit daw?"takang tanong ko. Bakit di na lang siya ang tumawag. Ang arte-arte pa eh 'no.
"Di ka daw niya ma contact. Di ka din daw nag oopen ng social media mo para mabasa yung mga chat niya" pagsabi niya. Lahat sila busy sa pag ce-cellphone habang nakikihati sa strawberry na dala ko.
"Ay oo nga pala, nag palit ako ng number" naalala ko na nagpalit pala ako ng number ng paulit-ulit na tumatawag at text si Jude. Di din ako nag oonline dahil alam kong ganun din doon.
"Nag palit ka? kailan" takang tanong ni Ayessa. Akala ko di siya nakikinig sa usapan namin.
"Oo, nung nag break pa kami ni Jude. Ang kulit kasi" pag kukwento ko.
"Bakit di mo binigay saamin number mo?" Paguusisa ni Rucel. Parang big deal naman nun, eh araw-araw naman kaming magkasama.
"Nakalimutan ko lang, babae" bigla siyang humawak sa dibdib niya na parang nasaktan ng sobra.
"Ganun na ba kami ka walang kwenta para sayo at kinakalimutan mo na lang basta-basta" napangiwi nalang ako.
"OA ha" yun na lang ang sinabi ko at niligpit na ang kalat ng pinagkainan namin ng strawberry.
"Bakit ka ba kain ng kain ng Strawberry?"tanong ni Ayessa pinag taasan ko siya ng kilay "ako nakakapansin lang, kain ka ng kain ng Strawberry. Mamatay kana no? Kaya ka kain ng kain ng Strawberry para di mo ma miss ang lasa pag namatay ka na"
Gusto kong matawa sa pinagsasasabi niya pero pinigilan ko. Parang totoong-totoo pinagsasasabi niya dahil sa mukha niyang seryosong-seryoso.
"Matagal pa yan mamamatay" sabat ni Rucel. Di siya saamin nakatingin samin, nag ce-cellphone lang.
"How can you be sure?" Taas kilay na tanong ni Ayessa. "She's broken hearted. We can't say, she might even commit suicide because she can't accept what happened to them with Jude" para akong tanga sa pinagsasasabi ni Ayessa.
Ako mag papakamatay? dahil lang sa broken hearted ako? Kanino naman yan nalaman ni Ayessa? Sasagot na sana si Rucel ng maunahan siya ni Rosevin.
"Masamang damo yan, matagal pa yan dito sa mundo." Parang bored pa yun sinabi ni Rosevin.
"Tangga ba kayo? Nakalimutan niyo na yung first heart broken niyan ni Aria?" Paghahamon na tanong ni Ayessa sa dalawa "Diba tatalon sana siya sa tuloy malapit sa apartment natin dati"
Talagang pinaalala niya pa. Imbes na okay na eh. Nakalimutan ko na pero pinaalala naman ni Ayessa. Nakakahiya pa naman yun. Sana di ko na lang yun ginawa.
"Tanga pa ako dati, Ayessa. Ngayon hindi na" pakikipagtalo ko pa. "Abutin mo mga yang tumbler ko" utos ko pa.
"Tanga ka pa din hanggang ngayon Aria, wag ka" di papatalo ang babaeng ito.
Kahit sinasaway na kami nung dalawa, di pa din kami tumitigil kakasagutan kung sino mas tanga saamin.
"Nakakahiya naman sayo na paulit-ulit binabalikan si Michael" pang aasar ko.
"Di ko na yun babalikan" parang proud na proud siya ng sabihin niya yun.
"Ay teh! Di ko na mabilang kung ilang beses mo na yan sinabi" natatawang sabi ko.
YOU ARE READING
Paint In The Skies [ON GOING]
RomanceCHEF SERIES #1 Aria is a good woman. She always think of others than herself. She's a good daughter and friendly. She is always called 'BOSSY GIRL' by her friends because of her character. She will meet Jarred Lavigne because of biggest mistake in h...
![Paint In The Skies [ON GOING]](https://img.wattpad.com/cover/286740491-64-k986627.jpg)