Saglit lang naman 'yong byahe papuntang 5 star hotel. Mga kalahating oras lang. Baka nga wala pang 6 pm nandoon na ako sa lugar. Nagpareserve naman na si Gideon ng table sa amin doon. Mayroon kasi don na resto na makikita mo 'yong kabuuan ng Quezon City at ma-amaze ka sa mga ilaw na mayroon 'yong matataas na building. Tapos medyo nakakatakot din sa mga may fear sa height dahil 'yong floor nila glass which is makikita 'yong baba. Pero wala naman sa akin 'yon.

Nang medyo malapit na kami sa hotel ay tumingin ako sandali sa salamin kung maayos ba ang mukha 'ko. Pagkatapos ay tinignan ang wrist watch 'ko. Nanlalaki ang aking mata nang tumama ang malaking kamay ng orasan sa sa 12 habang 'yong maliit ay nasa 6. Oh my God! 6 pm na! Nang makapark si kuya ay dali-dali akong lumabas ng kotse ng walang paalam sa kanya. Nagmamadali akong pumunta sa hotel at pumunta sa elevator.

Mabuti na lang ako lang ang tao sa elevator at pinindot ko agad ang 5th button floor. Tinapik-tapik ko ang  aking paa sa pag-aalala. Ako pa yata ang late sa aming dalawa. Ako pa ang nagsabi na h'wag ma-late pero ito ako, late. Tumingin muli ako sa wrist watch ko at 6:10 na.

Huminto ang elevator at nagmamadali akong lumabas. Agad na may nag-assist sa akin nang makarating ako sa restaurant na 'yon.

"Your name, ma'am?" aniya at binigyan ako ng matamis na ngiti.

"Alysson Jimenez." Napakagat ako ng labi pagkabanggit ko sa pangalan ko.

"Mrs. Jimenez, this way please." Tinuro nung nag-assist sa akin 'yong way. Sinundan ko lang ito hanggang sa huminto kami sa isang table na dikit sa glass window. Kapag tumitingin ako sa baba ay nakikita ko 'yong mga taong dumadaan sa 4th floor. "Ma'am." Napatingin ako sa kanya. May inabot siya sa aking menu.

"Thank you," I said.

Halatang may inaantay pa ito mula sa akin. Pero wala pa si Gideon. Hihintayin ko pa siya.

"My husband is on his way," ani ko. Though, wala pa rin si Gideon. Ilang beses akong luminga kung saan pero wala siya. Siguro nga papunta na. Nakalimutan na niyang magtext dahil na rin papunta na nga siya.

Mahigpit kong hinawakan ang phone ko. Tumunog ka naman.

"Okay, ma'am. Tell me if you need something, all right?" The woman said, humbly.

"Thank you."

"You're welcome, Ma'am. Excuse me." Yumuko ito bilang paggalang at napangiti na lang ako. Pinagmasdan kong umalis 'yong babae at napabaling na lang ako ng tingin sa labas. Mula sa glass window, makikita ko ang paglubog ng araw. May iilang building na bukas ang ilaw ng buong palapag.

Napabuga ako ng hininga. Tinignan ulit ang phone ko. Pero wala pa rin. Wala pa rin text na galing sa kanya. 6:20 na pero wala pa rin siya.

Late lang 'yon Aly pero papunta na 'yon. Baka traffic. Di ba? Traffic lang.

Kaya ako na ang nagtext.

To Gideon:

Saan ka na? </3

Tinitigan ko lang ang text message ko sa kanya hanggang sa lumipas ang kalahating oras. Noong tumingin ako sa orasan ay 7:00 na kaya biglang ina-approach muli ako nung babae.

"Ma'am, do you want me to serve the food?" she said.

Mabilis akong umiling, "Ay hindi pa. Parating na 'yong asawa ko."

"Okay, ma'am." The woman bowed her head. At saka umalis na 'to sa kinalalagyan ko. Tinanaw ko muli 'yong mga building sa labas. Tuluyang ng dumilim at lumitaw ang buwan. Maganda na ang view dahil halos lahat ng building bukas ang kanilang ilaw. Mula rito sa pwesto ko parang kita ko ang kabuuan ng Quezon City.

Nasaan ka na Gideon?

Lumipas ang isa pang oras ay wala pa rin siya. Kagat-kagat ko na ang labi ko para lang hindi makawala ang emosyong mayroon ako. Marami ng posibilidad ang pumapasok sa aking isipan. Maybe, he forgot about this date. Or maybe, mayroon namang unexpected meeting or what? Or maybe he doesn't want this. O damn, what am I thinking right now?

Papayuko na sana ako ng ulo nang may nagsalita. "O, I'm sorry, Ms. Carreon. I am the representative of our company to meet you. I'm sorry because I know I am late. Apology." Tumingala ako para tignan kung sino 'yong kinakausap niya. Ngunit, napaawang ako ng bibig nang nasa tabi ko ito. Umupo siya sa kabilang upuan. "I should be on time. And I am really sorry." Ngumiti ito pagkatapos ay lumitaw ang hindi kalaliman niyang dimples sa taas ng kanyang pisngi. The man is wearing corporate attire. Ayos na ayos ang kanyang itim na buhok. Medyo bilugan ang kanyang mukha ngunit mataas ang kanyang cheekbones. Parang magkaedad lang kami.  At parang namumukhaan ko siya? O hindi naman? "Please to meet you, Ms. Sunshine Carreon. I am Blade Andrade, Recruitment Specialist of NG Group of Companies." The man named Blade grinned at me.

Pero hindi ako 'yong sinasabi niyang babae.

"I'm sorry but I'm not Sunshine Carreon." Umiling ako at ngumiti.

Blade lips part. Napapikit ito ng mariin dahil maaring sa hiyang nararamdaman. "I'm sorry, really, I'm sorry. Ito kasi 'yong table na pina-reserve din. O, maybe, my fault. Ms. Sunshine told me, she's wearing a dark blue dress like yours Miss. I'm sorry. Parehas din kasi kayo ng hulma ng ulo. Yumuko ka pa kaya akala ko si Ms. Sunshine ka. I'm sorry, Miss. Apology."

Ngumiti ako para mapalagay siya. "Okay lang."

He sighed, happily. "Thank you. Napahiya ako doon a." Napakamot siya ng kanyang batok at preskong sumandal sa upuan.

Nginitian ko na lang siya. Pero napatayo siya. "May kasama ka ba? I'm sorry. Darn it. How many times I will embarrass myself in front of this beautiful lady?"

Bigla kong naalala si Gideon. Mahigit magdadalawang oras na siyang wala. Ni text wala akong natatanggap sa kanya. So, maybe, it is time to make a move and go home.

"No, actually. Pauwi na rin ako," ani ko.

Tumayo na ako at kinuha ang pouch sa table. Umalis na ako sa kinalalagyan ko at naglakad papuntang elevator. Kagat-kagat ko ang aking labi para hindi malabas kung anong emosyon man ang sasabog sa akin. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa pouch hanggang sa kunin ko ang phone dito at tinawagan si Manang.

"Manang, pasundo naman po ako rito."

"Aly? May nangyari ba?"

"Manang pasundo na lang po."

"O sige, sige. Papasundo na kita."

End call.

Pumasok ako sa elevator at hindi ko napansing may kasama pala ako.

"Your boyfriend is such an ass, ditching you here."

Tinignan ko 'yong nagsalita.

Blade.

Ngumiti ito ng tipid sa akin. "He's an ass, jerk, and, piece of shit. Okay now?" he said looking at me.

Umiling ako, "He's just busy." Napalunok ako na parang hindi ko tanggap kung ano man ang sinabi ko. Na parang isang kasinungalingan lang 'yong sinabi ko.

"O, come on, no one can be busy when it is about love," he said, dramatically. O boy, muntik na akong ngumiti sa sinabi niya. Ngunit nangingibabaw pa rin 'yong lungkot sa aking puso. Sana hindi na lang niya sinabi. He should text me or call me na hindi siya makakapunta.

May sasabihin pa sana si Blade ngunit bumukas na ang elevator. Tinanguan ko na lang siya at mabilis na naglakad papalabas ng hotel. Bumukas ang automatic glass window at pababa na sana ng hagdan na may humintong Chevy. Nilabas nito 'yong taong hinihintay ko. Bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Kahit na maliit na bagay 'to, hindi ko pa rin maiwasang maging emosyonal. OA na kung OA pero sana nagtext siya o ano pa man.

Sa porma niya, halatang nagmadali rin siya dahil gusot ang puti niyang polo. Tinignan ko ang kanyang mukhang puno ng pagsisi at kung ano pang emosyon. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang aking palad. Bumaba ako ng hagdan at inunahan siyang magsalita, "I'm fine. Actually, really, fine." I shrugged my shoulders. "You have your work, maybe, your main concern right now. Naiintindihan ko. I'm fine." Tumawa pa ako ngunit halatang peke. "Pero okay lang ako."

But I'm not really fine.

U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon