Sumisid ako nang sumisid hanggang sa naabot ko na ang kamay niya. Nasa may pinakamalalim na kami ng dagat kaya feeling ko nauubusan na ako ng hininga. Jusko!

Tinapik-tapik ko ang pisngi nung lalaki pero hindi ito natinag. Nakatulog na nga ang hinayupak.

Dali-dali ko siyang hinila kahit ang totoo ay mawawalan na ako ng hangin sa katawan. Jusko naman, bakit kasi ang bigat niya! Hindi ko siya maihaon ng mabilis!

Sige lang, Gem. Kaya mo ‘yan. Tandaan mong lulunurin mo pa ang hinayupak na ito kapag nakaahon kana sa tubig.

Ilang sandali ang lumipas at habol ang hininga ko na hinila siya pabalik sa dalampasigan. Grade rin ‘yun, ah. Muntik na akong matigok.

Humiga ako sa buhanginan dahil pagod na pagod ako. Idagdag mo pa na nawala ‘yung bra ko sa dagat. Wala kasing string ‘yun kaya dumaosdos, wala sigurong makapitan kaya bumitaw na lang. Bwesit naman kasi!

Uubo-ubo akong tumingin sa poging hinayupak na mukhang tulog pa rin na nakahilata sa tabi ko.

Teka lang! Baka patay na ito at hindi ko lang alam. Naku naman!

"Hoy kuya, wala na tayo sa dagat. Bakit natutulog ka pa dyan?" tinapik-tapik ko ang mukha niya. Ang lalim naman ng tulog nito, umabot ata hanggang pasipiko.

Pero wait, hindi ba sa mga kdrama eh kapag may ganitong eksena ay dapat gawin ang CPR? Tama, tama. Ang talino mo talaga, Gem.

Chineck ko ang pulso nito, malay ko ba kung natuluyan na ito. Ginawa ko naman ang karaniwang ginagawang pagsagip ng mga tao kapag may nalulunod, gamit ang pinagdikit kong kamay ay tudo push ang ginawa ko sa may bahagi ng dibdib niya. Jusko, baka matigok ito ng wala sa oras nang dahil sa ginagawa ko, ah.

Teka, bakit hindi pa siya nagigising? Gusto niya ba ng mouth-to-mouth resuscitation kaya tulog pa rin siya? Hala! Tama! Pero wait, baka amoy bulok na itong hininga ko, check ko muna.

Medyo amoy bulok nga, pero ayos lang. Hindi naman malalaman ng lalaking ito, ‘diba?

Bumwelyo muna ako at pinatitigan ang mukha niya. Hindi maipagkakailang may lahi ang isang ito dahil sa itsura niya. Pero Gem, magfocus ka. Kahit gaano pa kagwapo ang isang ito ay hindi ka dapat madala, malandi ka pa naman.

Ready na sana ako sa pagmouth-to-mouth pero natigilan at napalunok ako. Jusko, patawarin mo sana ako Al-al ko, may sasagipin lang akong isang poging hinayupak na mula sa kaharian ni Dyesebel.

Hinawakan ko ang ibabang bahagi ng baba at ilong nito. Pumikit ako at handang-handa na ang katawang lupa ko para i-mouth to mouth siya.

Pero hindi pa man nakakalapit ang malambot kong labi sa labi niya eh bigla niya akong binugahan ng tubig sa mukha.

"Leche!" singhal ko.

Wala pa nga akong ginagawang mouth to mouth resuscitation, eh! Ang advance naman magising nitong si kuya! Kainis! Mukhang masarap pa naman ‘yung labi niya.

Tinignan ko ‘yung lalaki na uubo-ubong nakahandusay sa buhanginan. Bigla akong may narinig na nagri-ring kaya inilibot ko ang paningin sa paligid. May nakita akong isang cellphone sa may hindi kalayuan dito sa puwesto ko. Nasa may buhanginan ito kaya agad ko itong kinuha at nakitang may tumatawag.

Namangha pa ako dahil madalang lang akong makakita ng ganitong uri ng telepono. Iyong akin kasi ay keypad lang. Nilingon ko ‘yung poging hinayupak na uubo-ubo pa ring nakasalampak sa lupa.

Mukha naman siyang busy at enjoy na enjoy na makipagbonding sa buhanginan kaya hindi naman ata masama kung ako na lang ang sumagot sa tawag ‘diba?

(Un) Married Again? || On-GoingWhere stories live. Discover now