PLAY ME NOT!

4 0 0
                                    

Chapter 1:

Ngayon nga pala yung start ng day ko sa bagong school na nilipatan ko. Ano kaya yung itsura nun??? Hmmmm... Madami kayang gwapo dun??? Siguro meron naman ata kasi private yun eh malamang madaming gwapo dun.

Ghad! Nababaliw na ako! Yun pa naisip ko eh imbes na isipin ko yung magiging kapalaran ko sa school na yun. Tsk! Naman kasi yung taong yun eh! Bakit ba antanga ko tao?! Psh.

-------

Andito na ako sa Harap nung school.

“Whoa. Analaki naman nito pero mas maganda parin yung dati.” Sabi ko sa sarili ko pagkakita sa school. Pumasok na ako sa gate. Wala na ding masyadong estudyante. Siguro nag start nadin yung klase.

Luminga-linga ako para mahanap muna yung sa may Admin Office para makuha yung Schedule ko tsaka yung Room ko. Hindi ko parin talaga alam kung saan. Ang Hirap naman kasi nung ganito! Naglakad-lakad pa ako ng onti para ahanap na yung Office pero di ko talaga mahanap.

SIna Mommy naman kasi! Di ako sinamahan! Di ko pa man din alam kung anong sasabihin ko kung bakit ako lumipat tsaka baka lunch time na eh naghahanap parin ako. Ok. Alam ko, masyado na yung O.A. pero malay din naman natin diba???

Andito na ako ngayon sa isang building. Halos wala nang estudyante na naglalakad. Para naman may pagtanungan ako. Gosh! Isang oras na ako naglalakad dito! Masyado naman kasing malaki pero mas malaki parin yung school ko dati.

Naglalakad-takbo ako sa hallway ng building na to nang may narinig akong boses

“Tol! Kawawa naman yun! Mag-sorry ka nga!” Napalingon ako dun sa may nagsalita.

“Girls are just girls. They’re insane and desperate.” Sabi naman nung kausap niya.

“Grabe ka naman! Isipin mo nalang, kung ganyan kaya gawin nila sayo? Oh ano?” sabi naman nung isa.

Haaaay! Buti naman may estudyante na din! Whooooo!!

Nilapitan ko sila. Kahit medyo nahihiya na ako! Hindi ko naman kaya ine expect na lalaki! Ang alam ko babae eh!

“Ehem. Uhm, excuse me po? Ah.. san po dito yung Admin Office?” Tanong ko dun sa mga lalaking nag-uusap. Nakatungo lang ako kasi. Duh! Nakakahiya kaya!

“Hahaha! Are you crazy?!”

O.O Napatingin ako sa lalaking pinagtanungan ko! Aba! Ang yabang nito ah! Nagtatanong lang ako eh!

“Psh. Nagtatanong lang eh” Bulong ko. Di ko naman sila masagot kasi baguhan lang ako dito eh sabihan pa mamaya nila ako ng maangas. Tsaka baka hindi nila ituro sakin yun admin’s office.

“Hehe. Miss. Pagpasensyahan mo na to.” Sabi naman nung isa. Buti pa siya mabait. Yung isa kagwapuhan nga eh ugali naman!

“Ah..” Tumango ako. “San ba dito yung admin’s office??” Inulit ko yung tanong ko dun sa MABAIT na kasama niya.

Nakita ko naman nag-smirk yung isa. Di ko nalang pinansin.

“Transferee ka ba?” Tanong niya. Napakamot nalang ako sa batok ko. Kailangan pa bang tanungin yun? Masyado naman na atang obvious eh.

“Ah, oo eh.. Uhm, kasi.. kanina pa ako naglalakad dito. Uhm, di ko kasi mahanap yung Admin Office.” Sabi ko sakanya.

Nagring naman yung cellphone nung isa. Yung.. yung mayabang. “Wait lang tol, sagutin ko lang to.” Paalam niya. Tumango naman ito.

“Ah.. Okay. By the way, I’m Ethan. Ethan Kyle Lopez. Nice meeting you…” sabi niya sakin.

“Alix Daphne Garcon. Nice meeting you also.” Sabi ko naman. Emerghad! Ang gwapo niya talaga! NAkooo! Di na ako galit sa nagpalipat sakin ditooo! Wahahahahaha!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PLAY ME NOT!Where stories live. Discover now