Ikalawang Kabanata: Dapitan

39 9 0
                                    

Naglalakad lang naman ako, hindi naman ako makakaalis ng Maynila ng ganun kabilis kaya

paniguradong may malakas na bentilador lang siguro sa isang paligid at naging mabait lang siguro ang araw ngayong oras. Pero, kung ganun nga talaga ang nangyari, bakit naman ang ganda ng pagkabughaw ng himpapawid? Bakit parang ang dami namang mga halaman at puno? At bakit kakaiba ang mga suot nadamit ng mga tao? May pista ba? Teka...

Napadpad ba ako sa filming set?!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Paikot-ikot na ako dito hanggang sa makaramdam ako ng pagkahilo pero hindi ko pa rin malaman kung nasaan ako o kung ano ang nangyayari sa aking paligid. Sa aking patuloy na na paglalakad, napatigil ako nang may nahagip ang aking mga matang isang pamilyar na kubo. Saan nga ba 'to? Ba't parang nakita ko na 'to dati? Tiendesitas ba 'to?

Lumapit ako sa kubo at may nakita akong isang lalaking nakatalikod sa loob. Nang ako ay nakalapit, nagulat ako dahil yung lalaki ay may kahawig din. Sino ba 'to? Bakit 'di ko maisip?! Mula sa aking pagkakatayo sa pinto, napatingin sakin ang dalawang tao sa loob. Isang lalaking 'di katangkaran at isang matandang babae.

"Hija, may kailangan ka ba? Maari kitang tulungan subalit tatapusin ko muna ang pagkunsulta." Tumango ako at naupo sa isang upuan sa tabi ng pinto. Pinagmamasdan ko silang dalawa habang nag-aantay. At iniisip ko pa rin kung sino ba 'tong lalaking 'to at kung kilala ko ba siya. "Maraming salamat, Pepe." Sabi ng matanda at naglakad na paalis. Pepe? Pepe pala ang pangalan niya. Siguro nga hindi ko 'to kakilala dahil wala naman akong kaibigan na Pepe ang pangalan.

Naglakad papalapit sakin ang lalaki. "Anong maipaglilingkod ko sa 'iyo, hija?" Tanong siya sabay alok sa akin ng tubig. Napansin niya sigurong pagod at uhaw na uhaw na ko. "Ah, sa totoo lang hindi ko naman kailangan ng tubig." Mahina siyang natawa dahil nakita niyang naubos ko pa rin ang laman ng baso. Matapos kong inumin ang tubig na alok nito ay nagtanong muli siya. "Ano ang mapaglilingkod ko sa 'iyo?" Agad akong sumagot. "Gusto ko lang itanong kung anong lugar ba 'to?" Hindi ko alam kung paano o kung tama ba ang naging tanong ko sa kanya. Bala na!

"Hija ano ba ang iyong sinasabi? Ikaw ang pumasok sa aking klinika." Ilang segundo kaming natahimik, magtatanong na sana ako ulit pero nagsalita na siya. "Nandito ka sa Dapitan." Dapitan?! Maynila?! Paano ako napunta rito? "Dapitan, Zamboanga bata." Napatingin ako rito, nasabi ko yata ng malakas ang nasa isip ko. Pero teka ano raw? Bata?! "Taga-saan ka ba? Mukang nawawala ka at halatang 'di ka taga-rito dahil kakaibang ang iyong suot na uniporme." Natatawang sambit niya. "Taga-Pasig ako. Kanina lang naglalakad-lakad ako sa may Parke malapit sa aming paaralan tapos bigla nalang nag-iba ang kapaligiran ko. Napansin ko na lang na nag-iba na ang panahon, ang simoy ng hangin, at ang kakaibang kasuotan ng mga tao. Bigla rin nag-iba ang mga gusali!" Sunod sunod na kwento ko sa kanya. Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago malapitang tinitigan ang aking mga mata.

"Hija may kinain ka bang kakaiba bago ka napunta rito? Mukang malakas ata ang tama mo." Sabi sakin ni Pepe. Baliw ba 'to? Pinagtitripan ata ako neto eh. Sa aming dalawa mukang siya pa nga ang may tama. Kakaiba ang damit niya pati na rin kung magsalita! Kung 'di ko lang talaga kailangan ang tulong nito nako! Tumingin siya sa labas saglit bago ibinalik ang atensyon niya sa akin.

"Takip-silom na, kahit lumisan ka pa ngayon ay hindi ka aabot sa 'Pasig'. Halika na, tumuloy ka muna sa aking tahanan. Tutal mukhang kailangan kitang bantayan." Nang-aasar ba talaga 'to? "Hindi ako adik! Totoo ang sinasabi ko!" Paglilinaw ko sa kanya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko at bumalik lang siya sa kanyang lamesa. "Oo sige! Naniniwala ako sayo. Antayin mo 'ko, kukunin ko lang ang aking mga kagamitan."

Matapos niyang magligpit, lumabas na kami ng klinika niya at pumunta sa kanyang bahay. Hindi ko maintindihan bakit ganito ang bahay niya. May mga gantong klase pa pala ng bahay? Ang baduy naman! Doktor siya pero walang pampaayos ng bahay, ganun? Pagkapasok namin sa loob pinagmasdan ko ang mga kagamitan niya. Puro makalumang bagay ang mga nandito! Mahilig kaya siyang mangolekta ng mga antique? Naalala ko tuloy si Mama, ang hilig niyang maghanap ng mga ganitong bagay.

"Ah Pepe, saan mo nabili 'tong mga 'to?" Tanong ko sa kanya dahil tiyak na matutuwa si Mama at para na rin mabawasan ang galit niya pagnasabi ko na ang mababang grado ko. Ang tuwa na naramdaman ko ng makita ko ang koleksyon niya ay napaltan ng inis nang mapansin ko na tinatawanan na naman niya ako. "Halika na't kumain. Pansit lamang ang mayroon ako, kumakain ka naman siguro nito no?" Tumango nalang ako at lumapit sa kanya.

Habang kumakain kaming dalawa, nakatitig ako sa kanya at may biglang pumasok sa aking isipan. "Alam ko na kung sinong kamukha mo! Kamukha mo si Jose Rizal! Tama tama si Jose Rizal nga! Ang galing ah!" Puno ako ng saya dahil nalaman ko na rin kung bakit siya pamilyar sa akin. "Kamukha? Ano na naman ang iyong pinagsasabi? Ako talaga si Jose Rizal. Paano mo nalaman ang aking pangalan?"

Nang Umikot Pabalik Ang Oras...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon