"Anong gagawin mo?






Ma'am?!"














Sinesenyasan ako ni Bea. Pinagpapalit-palit niya yung tingin niya sa amin ni Deanna.

Nasa likod niya si Nanay.











"Jema, saan ba galing tong mga pagkain? Napakadami naman nito!"






Kakarating lang din siguro ni Nanay.

Ngayon lang niya nakita yung ref eh.










"Natira nila yan Nay, nandito din sila kagabi."

Yun na lang sinabi ko.

Baka pag sinabi kong si Deanna lang eh...












"Ganun ba? Naku eh kainin niyo na to. Itong ice cream oh, sayang to, hindi mahilig si Jema sa matamis. May diabetes naman ako."






Dati mahilig ako.

Kami ni Nanay.

Mahilig kami sa milkshake, pearl shake, iskrambol, donut, halo-halo at kung anu-ano pa.

Pero simula nung nagkasakit siya na inakala namin na UTI lang, tapos yun nga, iba pala at mas malala,

Hindi na ko masyadong kumakain nung mga ganun.

O kaya naman, kakain ako pero di ko na ipapakita sa kanya.

Yung banana cue, favorite ko talaga yun pero inaalis ko na yung mga namuong asukal sa paligid.

Kung nagkaroon nun si Nanay, malamang pwede rin ako magkasakit ng ganun kaya habang maaga, binabawas-bawasan ko na.

Yung hotdog sandwich hindi ako mahilig kaya inalisan ko ng mga tinapay, pinakain ko sa aso ng kapitbahay.

Yung mga hotdogs nun ay inulam ko kaninang umaga.

Yung siopao tinira ko talaga kay Nanay. Favorite niya yun eh. Siguradong yun ang ihahapunan niya mamaya.

Yung pagkakasakit ni Nanay, isa rin yun sa dahilan kung bakit yung kalahati lang ng bayad dito sa apartment ang sagot ni Nanay. Yung sweldo nila ni Tatay ay para naman sa pangmaintenance, araw-araw na panggastos, at pagaaral ni Mafe.








"Sige na Miss! Please? Bait yan ni Miss oh!"




Si Ponggay napaka...

Pagtingin ko sa mukha niya ay parang iiyak na rin habang nakahawak sa balikat ni Deanna.

Nakita ko na tumulo na yung luha ni Deanna sa braso niya.

Ang OA naman nito!

Tsss...












"Naku Jema, tulungan mo na sila. Ilang araw ba yan? Isa? Dalawa?"



Nagliwanag yung mukha nilang lahat, si Deanna nakatungo pa din.











"Sige na nga. Isang gabi lang Nay. Okay lang ba na maiwan ko muna kayo dito?"




Tanong ko sa kanya.











"Sige na, tulungan mo na sila. Yung isa takot na takot bumagsak oh."








Napansin niya rin pala si Deanna.










Text Me When You Get HomeWhere stories live. Discover now