Simula

249 10 16
                                    

"Sa kabilang mundo nakatira ang mga blah blah blah blah." Hindi ko na naintindihan 'yong kinukwento ni Lola. Haaayy, hawak-hawak niya ngayon ang libro at kwenukwentuhan ang tatlo kong kapatid na triplets.

Naka-upo si Lola sa upuan kung saan ayon lagi ang puwesto niya. Kauuwi niya lang kanina at saglit lang ang pahinga niya no'ng nagsimula siyang magkwento. Umuwi siya kasama si Lolo na nasa labas dahil sa susunod na araw ay pasko na. At dito raw sila magce-celebrate.

Naka-upo ako sa dulo ng sofa. Tinignan ko 'yong tatlo kong kapatid na mabuting nakikinig kay Lola, habang ako? Ito, hindi nakikinig.

"Ako po gusto ko pong maging si Kuya Van! Kasi guwapo po ako ahihihi."

Napamulat ang mata ko nang dahil doon. Tapos na pala 'yong kwento at hindi namalayan na nakatulog na pala ako. Kinusot-kusot ko 'yong mata ko at muling tinignan si Fellin, ang nag-iisang Lalaki sa triplets.

"Ako naman po si Ate Lian! Gusto ko po ng apoy!" Sigaw naman ng pumangalawa kay Fellin, si Fellina. 

"Ako naman po shi Ate Princy! Gutso ko po ligtash buhay iba tao!" Sigaw rin ni Felish, ang pinakabunso sa dalawa. Sampung segundo lang ang pagitan nila ang sabi sa 'kin ni Mama, pero tinuturing pa rin naman nila ang isa't isa ayon sa pagkakasunod-sunod nila.

"Ikaw naman, Ella? Sino sa kanila ang gusto mo?" Tanong ni Lola at nalipat na sa 'kin ang tingin. Napalunok naman ako dahil wala naman akong naintindihan kanina, natulog nga ako 'di ba? Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot.

"Ahmm.. wal–"

"Hindi ka na naman nakinig." Pigil niya sa dapat na sasabihin ko. Hindi naman talaga! Sa totoo lang, hindi talaga ako interesado sa mga kwento niya o ano pa man.

"Sabi ko nga sa 'yo... mahalaga ang kwentong narito sa libro," sabi niya. Napahinga naman ako nang malalim bago tumayo.

"Tutulungan ko po munang mag-ayos ng pagkain si Mama." Umalis na ako agad at hindi na hinintay 'yong sasabihin ni Lola. Hindi sa bastos ah, pero kasi pati ako tinatanong ni Lola tungkol sa storya niya. Hindi naman ako nakikinig dahil hindi naman ako interesado sa mga gano'n.

Mas gugustuhin ko pang pakinggan ang chismiss ni Aling Beba kaysa roon.

Napahinto ako nang nakasalubong ko si Mama. Seryoso ang tingin niya sa 'kin na parang may nagawa akong kasalanan. Tumikhim ako at sinabayan ang tingin niya.

"Bakit, Ma?" Tanong ko. Tumalikod naman siya at senenyasan akong sumunod sa kaniya. Dumiretso siya sa kusina, lahat ng mga rekado ay naroon. Kasama na 'yong manok na may kung ano nasa loob. Hay, kawawang manok.

"Ella, Anak... maging ako rati ay hindi rin naniwala. Pero nang nakapasok ako roon, doon ko pa lamang napatunayan na tama ang sinasabi ng Lola mo at ni Lola Vallin."

Tinigil ko ang paghihiwa nang tignan niya ako nang seryoso, 'yong parang tingin niya lang kanina. Bahagya tumaas nang kaunti ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Wala akong naintindihan. At paanong nasama si Lola Vallin dito? 'Yon 'yong Mama ni Lola. Lola ko sa tuhod.

"Hangga't maaga pa... binabalaan na kita. Huwag mong babastusin ang librong 'yon. Kung ayaw mong–"

Napahinto si Mama sa pagsasalita nang may biglang nagsalita. Napangiti ako nang mawalak nang nakita ko si Papa na dala-dala 'yong pinabili kong pagkain. 'Yong paborito kong kutsinta!

Tinaas niya 'yon sa 'kin nang akmang hahawakan ko na sana. Napanguso ako dahil sa ginawa ni Papa. Gusto ko nang kumain! Namiss kong kainin 'to.

"Tumulong ka muna riyan, ikaw talaga! Lalagay pa 'to sa ref!" Sigaw niya at pinasok 'yong sa loob ng ref na nasa gilid ko lang. 'Yong pagsara niya parang nilock niya 'yon nang husto.

The Cursed Book Where stories live. Discover now