Chapter II

127 85 2
                                    

"Where's Nico na? Nandito lang siya kanina 'ah" nagtatakang tanong niya kay Marie.
Nakita niya pa kasi ang binata kanina bago siya niyaya ni Marie na sumayaw sa dance floor. Parang gusto niya tuloy magsisi na umalis siya sa pwesto nila kanina.
" Hay naku! Puro ka Nico. Can you please forget him muna? Let's have fun. Enjoooy!" Sagot ng kaibigan niya na halatang lasing na.
" No. I'm here because of Nico kaya kung wala na siya'y uuwi na lang din ako" sabi niya bago niya na ito tinalikuran.
Kahit na maingay sa loob ng bar ay alam niyang tinatawag nito siya. Hindi niya na ito nilingon. Mabait naman si Razz eh kaya alam niyang hindi nito papabayaan ang kaibigan niya. Nagpatuloy pa siya sa paglakad hanggang sa makalabas na siya ng bar na in-occupy ng basketball team para sa victory party ng mga ito.
Tiningnan niya ang kanyang wrist watch. It's already 1am.

Tumingin-tingin siya sa paligid. Nagbabakasakaling makita niya si Nico pero nalungkot lang siya dahil kahit kotse man lang nito ay hindi niya nakita. Puro lovebirds lang na naglalandian sa paligid ang nakikita niya.
Tss walang forever! Bulong niya sa isipan.

Napagpasyahan niyang umuwi na lang, tutal naman ay mukhang nakauwi na rin si Nico. Sayang lang tuloy ang effort niyang magpaganda, yun naman pala'y hindi naman pala siya makakascore rito. Ngayon tuloy siya nagsisi na hindi nagdala ng kotse. Naglakad na lang siya habang naghahanap ng masasakyang taxi.

Nasa waiting shed siya habang naghihintay ng masasakyan nang mapansin niya ang isang lalaki na na papalabas ng convenience store. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Dali dali siyang tumawid patungo sa kabilang kalsada para lapitan si Nico.
"Hi!" agad na bati niya nang makalapit siya rito.

Lumingon ito sa kanya. Halatang di naman ito lasing dahil napansin niya kanina na hindi ito masyadong umiinom.
Tahimik lang ito kanina habang ibang kasamahan nito ay nagi-enjoy.
Napansin niya ang ilang bote ng beer sa loob ng kotse nito.

"Ikaw nanaman?" Naiirita na nitong sinabi.
" Hinanap kita kanina akala ko nakauwi ka na" sabi niya na nakatingin sa ipinamili nito.

Wari'y napansin nito ang ginagawa niya kaya naman mabilis nitong sinaraduhan ang kotse.

"Gusto mo ba ng makakasama? Nandito naman ako" aniya

Napansin niya kasi na parang malaki ang problema nito parang may kung sino ang bumulong sa kanya na wag niyang iiwan si Nico.

Tiningnan nito siya mula ulo hanggang paa.

"No!" Mariing sabi nito.

Pero naging maagap siya. Bago pa man ito makapasok sa loob ng kotse ay naunahan niya na ito.

"Hey! What do you think you're doing?" Naiinis na ito.

"Wheather you like it or not sasama pa rin ako sayo" sabi niya na nakaset belt na.

Iling-iling na lang ang nagawa ni Nico. Laking tuwa niya naman ng paandarin na nito ang kotse.

_____________

Inilibot ni Jam ang kanyang paningin sa kabuuan ng condo unit ni Nico. Hindi niya akalain na makakapasok siya sa condo nito. Napakaganda nito sa loob. Kulay skyblue at black ang halos na gamit sa loob, very masculine. Napansin niya rin na malinis ang condo nito hindi katulad ng ibang lalaki.
Everything is well organized.

Namangha siya nang makita ang mga troupe at medals nito sa paglalaro ng basketball. Isa ito sa mga qualities na nagustohan niya kay Nico. Napansin niya ang picture frame sa ibabaw ng drawer, si Nico at ang Daddy nito. Bata pa ang binata sa litrato habang ang Daddy naman nito ay nakasuot ng Jersey . Ang alam niya basketball player din ang Daddy niyo noong araw. Nakakalungkot nga lang dahil binawian agad ito ng buhay.

Please Stay (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon