Chapter 1

17 2 0
                                        


Flynn’s Pov

Nakaupo ako ngayon dito sa cafeteria habang hinihintay si Cassius.
Sigurado akong sinundo pa nun yung girlfriend niyang taga section B hindi kasi mapaghiwalay ang dalawang iyon.
Itutuloy ko na sana ang pagbabasa ng libro ng marinig ko ang pinag-uusapan ng mga kapwa ko estudyante sa kabilang table.

“Have you heard?” - Hera

“Heard what?” - Pearl

“Magtra-transfer daw dito ang Fade” - Hera

“Fuck! Really!? Gosh, gagawin ko talaga lahat mapabilang lang sa grupo nila!” - Pearl

“Yeah right! This is so good news talaga!” - Hera

“Pero balita ko hindi daw nagpapapasok ng ibang miyembro doon. Silang apat lang, kaya nga nabuo ang Fade dahil sa kanila diba?” -Ara

“Oh my gosh Ara, pwede pa din akong sumali noh para maging Fhade na ang pangalan ng grupo” -Hera

Hindi ko na itinuloy ang pakikinig sa pinag-uusapan nila dahil nakuha ng atensyon ko ang tinutukoy nilang Fade.
Fade? Who are they? Bakit parang hindi ko ata sila kilala. Mga sikat ba silang artista? Itatanong ko na lang mamaya kay Cassius baka alam niya.
And speaking of Cassius, palinga linga siya na parang may hinahanap kaya naman itinaas ko ang kamay ko para madali niya akong makita.

“Flynn sasabay sa’tin si Blaire ngayon kasi absent yung mga kaibigan niya. Okay lang ba?”

“Oo naman, no problem besides, palagi naman na akong nagiging third wheel every time na nagde-date kayo. Haha wala ng bago dun”

“Ikaw naman kasi Flynn eh ayaw mo pang ligawan yung best friend ko halata namang may gusto sayo” - Blaire

“Wala pa kasi sa isip ko yan. Gusto kong makapagtapos muna ng pag-aaral.”

“Bakit di mo ba kayang pagsabayin?” – Blaire

“Hayaan mo na lang yang best friend ko Babe alam mo namang NBSB at torpe yan hahaha” – Cassius

“ Sige pagtawanan niyo lang ako.
Bilisan niyo na diyan malapit ng magsimula ang klase”

Tumayo na ako at iniwan na sila doon wala naman na akong sasabihin sa kanila, at kapag nagtagal pa ako doon ay baka langgamin na ako sa kaharutan ng dalawang iyon. Didiretso na muna akong library para magbasa ng libro. Kailangan kong mag advance reading sa lahat ng subjects dahil kailangan kong mamentain ang grades ko, dahil kung hindi ay mawawala ang scholarship ko.
Siguradong mas lalo na namang mahihirapan sina mama’t papa kapag nangyari nga iyon. Isa din yan sa mga dahilan kung bakit iniiwsan ko talaga ang gulo.

Pagkatapos ng klase ay umuwi na agad ako para kahit pa paano ay makatulong ako ng gawaing bahay  sa bahay. Simple lang ang buhay na mayroon ang pamilya ko. Hindi mayaman pero masaya.
Pagkatapos ng lahat ng gawain ay pumasok na ako sa kwarto para makapag-pahinga. Iniisip ko pa rin kung sino yung pinag-uusapan nila kaninang Fade, mukha kasing sikat talaga sila dahil kahit sa library at classroom kanina ay pinag-uusapan sila. Pero nakakapagtaka lang kasi ngayon pa sila lilipat kung kailan isang taon na lang ay gra-graduate na sila.

Huh? Grade 12 din ba sila? Hay malay ko ba, bakit ko nga ba prinoproblema ang mga walang kwentang bagay na iyan. Mas mabuti pang matulog na ako at maaga pa ang pasok ko bukas.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at pumasok sa school. Hindi kami nagsabay ni Cassius dahil mamaya pang 10am ang pasok niya. Actually mamayang 9:30 din ang klase ko kaya lang napaaga ang gising ko kaya sa library muna ako tatambay.
Mas okay na rin yun para makapag advance reading ako, hindi kasi ako nakapag review kagabi.

Tumayo muna ako mula sa pwesto kong table dahil may kailangan akong kuning libro sa shelf.
Pagbalik ko may babae na doong nakayuko sa lamesa, mukhang natutulog pa ata siya. Ang aga pa pero kung matulog siya ay parang sobrang napuyat kagabi.
Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy na ang pagbabasa sa harapan niya. Pagkalipas ng isang oras ay napansin kong parang may nakatingin sakin kaya naman inilipat ko ang mata ko mula sa libro papunta sa harapan ko, hindi na ako nagulat ng makitang titig na titig ang babae sa akin.

"Bakit?" tanong ko

"Nothing, I just find you cute."   hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya sa sinabi niya. Mukhang ako pa ang mahihiya sa kawalan ng preno ng bibig niya. Hindi ko nalang siya sinagot at ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa, but I couldn't concentrate because I can still feel her stares.

"You know what? You're cuter when you blush"   pagpapatuloy niya sa sinasabi niya kanina. Hindi ko napansin na namula pala ako sa sinabi niyang cute ako. Hindi naman kasi ako madalas masabihan ng ganoon kaya nakakagulat at nakakapanibago

"What's your name?"  tanong niya pa.

"Flynn"   kahit ayaw ko siyang sagutin ay ayaw ko namang magmulhang bastos

"Oh nice name. Hi Red, I'm Dom"   sa totoo lang hindi ko siya magets, di ko alam kung nagpapatawa ba siya o nagbibiro. Pero hindi ko na lang siya pinansin at itinuloy na ang pagbabasa. Kahit nahihirapang mag concentrate dahil sa paninitig niya ay pinilit ko pa ring wag mapatingin sa gawi niya.

Hindi ko kasi gusto ang pakiramdam ko sa kaniya. Mukha siyang lapitin sa gaulo. Hindi lang sa gulo actually, mukhang pati na rin sa mga lalake. Sa paraan pa lang ng pagkakausap niya sa'kin kanina ay parang sanay na sanay siya sa mga ganong galawan.
Sobrang ipinag pasalamat ko nung tumunog na ang bell. Tumayo na ako agad at umalis na doon, hindi ko na din nilingon ang babaeng yun at basta na lang akong umalis para pumasok sa unang subject ko ngayong araw.

Mine -  Dominique Beatrice Aella Ford  Stories to obsess over. Discover now