Chapter 1

8 3 0
                                    


Season 3

Tyren Pov

Nagising ako parang may nakatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo ? "tanong ko kay Ashler dahil siya ang nakatingin sa akin.

"Tinignan ka habang natutulog ?" sagot niya.

" Ang ibig kong sabihin anong ginagawa mo dito ? " tanong ko ulit.

" Pinapagising kana ni Mama esti si tita pala " sagot niya habang nagkakamot ng ulo.

" May Kuto ka ba  nagkakamot ka kasi " sabi ko.

" Wala ahh  hali kana nga " sabi niya.

" Susunod ako maliligo muna ako " sabi ko.

" Ok " sabi niya.

" Labas na ako ahh " dagdag na sabi niya.

" Wag ka nang lumabas dito ka nalang at ako nalang ang lalabas " sabi ko sa kanya.

" Samahan na lang kitang maligo " sabi niya.

" Ganon ba sige halika " sabi ko at kumuha ng tubig sa Cr at ibinuhos sa kanya.

" O yan nakaligo kana " sabi ko sa kanya at tumakbo palabas ng kwarto.

" REN NAGBIBIRO LANG EHH !!! " sigaw niya at hinabol ako.

" BIRO LANG DIN YUN ASH !!!! " sigaw ko at tumakbo parin.

" Huli ka " sabi niya at niyakap ako patalikod dahil basa siya basa na din ako.

" Oyy bakit may pa yakap yakap yan " sabi ni  mom.

" Mom "  sabi ko.

" Bakit basa kayong pareho ? " tanong ni mom.

" Naglalaro lang po kami tita " sagot ni Ash.

" Laro na may kasamang yakap ?" tanong ni mom.

" Bestfriend lang ba talaga kayo ? " tanong ni mom ulit.

" Opo tita / Opo mom " sabay na sabi namin ni Ash.

" Ok BESTFRIEND " sabi ni mom at diniinan ang salitang bestfriend.

" Sumunod kayo sa baba dahil kakain na " sabi ni mom.

" Ok po tita / Ok po mom " sabay na sabi namin ni Ash at bumaba na si mom.

" Ikaw kasi ehh "  sabi ko sa kanya at sinapak siya.

" Aray Sorry na nagbibiro lang ehh " sabi niya.

" Maligo kana nga don " sabi ko sa kanya.

" Sabay tayo " sabi niya.

" Sapak gusto mo ? " tanong ko sa kanya.

" Sabi ko nga maliligo na akong mag isa " sabi niya at pumasok sa guestroom  at pumasok din ako  sa room ko.

F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D

Pababa na ako ng hagdan ng nadatnan ko silang nagtatawanan sa mesa.

" Opo tita nakita ko sa cellphone ni Kuya Tyron na ka text niya si  Samantha sabi ni Sam Kuya daw hahaha "  sabi Cassy kay mom habang si kuya naman ay hindi maipinta ang mukha at hindi nila napapansin ang presensiya ko dahil sa loko loko ako ay......

" GOOD MORNING EVERYONE !!!!!!!!! " malakas na sigaw ko abot hanggang sa labas.

" Aray " sabi ni Blake dahil nasapak ni Cassy  hahaha.

" Wag kang lumangoy dad / tito " sabi ng mga kapatid at mga pinsan ko dahil napasalampak si dad sa simento hahaha tinulungan naman siya ni mom tumayo.

" Ikaw talaga twin sis para kang human megaphone dahil sa lakas ng boses mo " sabi ni Kuya Tyron.

" Agree " sabay na sabi ni Blake at Lucas.

" Kambal ba kayo " sabi ni Cassy.

" Di ahh wala akong kakambal na childish " sabay na sabi  nila.

" Baka kayong dalawa ang childish " sabi ni Ash na kakarating lang.

" Nandiyan na pala ang bestfriend mo ate Tyren " sabi ni Cassy.

" Bestfriend daw " sabi ni kuya Tyron.

" Bestfriend naman talaga kami ahh diba Ash ? " tanong ko Ashler.

" Yeah Bestfriend " sagot niya.

" Ohh diba " sabi ko.

" Defensive " sabi ni Astrid. 

" Lord bakit pa ako nagkaroon ng pamilya na ganito " sabi ko sa sarili ko.

" May sinasabi ka anak ? " tanong ni mom.

" Wala po mom sige kain na po tayo " sagot ko.

" Chinichange topic " sabi ni dad.

" Dad !!! " sigaw ko kayat tumawa naman sila lahat.

Bakit pa ako nagkaroon ng pamilya na  ganito.

IM INLOVE WITH MY BESTFRIEND ( Book 2 : Season 3 of ITMFHM ) ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon