"Uy joke lang. Ito naman masyadong seryoso. Ilang eggs ba gagamitin mo?"
Sumenyas naman siya ng apat sa mga daliri niya, "Sapat na siguro 'yun sa ating dalawa"
Habang busy magprepare ng dinner namin si Rita ay inayos ko ang lamesang kakainan namin.
Inilabas ko sa terrace ang isang foldable na lamesa pinadala sa akin ni Mommy. Naglatag na rin ako nang light orange na mantel. Hindi ko talaga alam kung nananadya ba si Mommy. She packed all my stuff at pagbukas ko ay halos mga shade of orange ang mga pinasok niya doong gamit sa maleta.
Nakakita ako nang isang vase of roses sa tabi ng TV kaya kinuha ko rin 'yun at inilagay sa gitna ng lamesa.
"Ken, saan ka? Tapos na yung scrambled eggs oh"
Naririnig ko ang boses niya mula sa kusina kaya naman tumungo na ako doon agad.
"Saan ka ba ha? Ayan na itlog mo, niluto ko na" at pinakita ang mainit-init pang kawali.
"Aray sakit naman nun Rita. Niluto mo? Ito?" sabay turo ko sa ibaba. Ayan nasapak na naman ako.
"Baliw ka na, sira ka pa. Yung swab stick kanina baka utak mo yung nasundot kaya ganyan."
Unti-unti siyang naglakad at may napansing kakaiba sa terrace. Ang tanging takip lang ay yung puting kurtina iniladlad ko kanina.
"Oh bakit may paganito?" bakas ang gulat sa ekspresyon ng mukha niya.
"Nagustuhan mo? Mas masarap kumain kapag ramdam mo yung sarap ng simoy ng hangin habang nakatitig lang sa mga maliwanag na bituin sa langit."
"Ah hindi rin" umismid siya.
Kumuha naman siya ng tuntungan ng kawali mula sa kusina at inilatag ito sa gitna ng lamesang hinanda ko.
"Oh ayan, sizzling egg"
Kumuha naman ako ng mga plato, utensils, at baso at maingat na inarrange ang mga ito sa lamesa.
Paglatag nito ng mga kubyertos sa mesa ay agad nang umupo si Rita. Umupo naman ako sa harapan nito.
"Music tayo ha"
Kinuha ni Rita ang phone niya at kinabit sa portable speakers ng hotel room namin.
"Oh bakit yan yung gusto mong patugtugin?"
She played one of the iconic songs of the old generations but still iconic up to now.
"Wala lang. Hindi ba applicable yung lyrics sa ating dalawa" she stared at me and then looked down agad para isubo ang nasa kutsara niya.
Inaamin ko, nagkamali ako
Inaamin ko, nasaktan ko ang puso mo
Iniwan ka nang walang dahilan
Sumama sa iba, hindi man lang ako nagpaalam
Di man lang nagpaalam
YOU ARE READING
Filming Love
RandomCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?
Cam 018: Again
Start from the beginning