“Ikaw rin. Mag-sorry ka kay Ms. Carly tapos galingan mo sa work! Marami kaming naniniwala sa ‘yo!” I cheered. “‘Wag ka ring kumain ng miswa at patola... o ng kahit anong hindi pamilyar sa ‘yo.”

“Yes, Ma’am.” Mahina siyang tumawa.

Napangiti rin ako. “Let’s do our best today!”

Iyon na siguro ang pinakamaikling limang mintuo sa buhay ko. Hindi na rin ako nakabalik sa pagtulog dahil kahit natapos na ang tawag, buhay na buhay pa rin ang dugo ko. Ipinagluto ko muna ang mga kaibigan ko bago nauna nang pumasok sa school.

May isang oras pa bago ang klase kaya pumunta muna ako sa library para mag-advance reading sa Calculus III at Abstract Algebra I. Mahilig kasing magpa-surprise quiz ang instructors namin doon.

Kung hindi lang ako naubusan ng slot sa Bachelor of Science in Education (B.S.E) Major in Mathematics, ayun ang pipiliin kong program. Pero dahil wala akong five hundred pesos noon para makapagpa-reserve ng slot, hindi ako natanggap.

Forty students lang ang hinayaang makapag-take noon dahil kulang ang College of Teacher Education sa faculty members. Mataas din ang kailangang average, at kahit may laban naman ang grades ko noong senior high school, hindi ko na ipinilit dahil maganda rin naman ang BS Mathematics na ini-offer ng College of Arts and Sciences. Ibinalik din naman ang reservation fee sa mga estudyante nang makapag-enroll sila successfully. Medyo nanghinayang lang ako dahil iyon talaga ang gusto kong programa.

Abala ako sa pagsusulat ng reviewer nang marinig ko ang paggalaw ng upuan sa tapat ko. Nag-angat ako ng tingin para lang makita si Marcus na inilalapag ang bag niya sa katabing upuan.

“Pa-share, wala nang vacant,” mahinang saad niya.

Tumingin ako sa paligid at napansing okupado nga ang lahat ng upuan at mesa. Abala ang mga estudyante sa thesis nila, kanya-kanyang hanap ng review of related literature and studies.

Ibinalik ko ang tingin kay Marcus at nakangiting tumango sa kanya. Hindi na ako nag-abalang kausapin siya dahil bumalik na ako sa pag-aaral. Naghanap ako ng worksheet na puwedeng sagutan para kahit papaano ay may application ako sa inaaral ko.

Marcus cleared his throat, probably attempting to make a conversation.

“May exam kayo?” hindi napigilang tanong niya matapos lang ang ilang minutong pananahimik. “Tulog na tulog pa si Eddie no’ng umalis ako.”

Tiningnan ko siya. “Wala. Advance reading lang.”

He beamed. “Sipag mo naman. Ano’ng oras ng klase mo?”

“Eight.”

Tumango siya. “Eight din ang start ng class ko. Hatid muna kita?”

Naiilang na ngumiti ako sa kanya. “Hindi na kailangan. Malapit lang naman ang department namin.”

Hindi nawala ang ngiti sa labi niya. He really looked like a decent and clean guy. Libero siya ng volleyball team ng school namin kaya tuwing may laro sila ay iniimbita niya ako. Hindi naman ako madalas makapunta dahil noong panahong nililigawan niya ako ay abala rin ako sa part-time job ko bilang amateur model at math tutor.

Ngayon lang ako hindi nakakapagtrabaho dahil malaki ang allowance na ibinibigay sa akin ng production team ni Kobe. Sinubukan kong tumanggap ng tuturuan at humanap ng ibang pagkakaabalahan bago ako nagsimulang magtrabaho para sa lalaki, pero hindi ko rin naman naasikaso dahil sa dami ng gawain sa school... at kay Kobe mismo.

“Pasabay na lang, p’wede?” kuha ni Marcus sa atensyon ko. “May sasabihin lang ako kay Eddie.”

Isang beses akong tumango bago ibinalik ang tingin sa inaaral. Hindi na rin naman siya nagsalita matapos iyon.

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon