"Hmmm bakit ka naiinis ha?" pinapaharap ko ang mukha niya sa akin pero iniiwas niya. Nagtatampo nga ang cute kong girlfriend.



"Bakit, hindi ba pwedeng mainis?" sabay tanggal ng mga braso kong nakapulupot sa bewang niya at tumungo sa ref para kumuha ng gatas na ilalagay niya sa scrambled eggs.



Sinundan ko naman siya at muling yumakap sa bewang nito.



"Bakit nga kasi muna?" sinisilip ko pa rin ang mga mata nito.



"Bibitaw ka o ikaw paglulutuin ko ng scrambled eggs?"



Agad naman akong bumitaw. Takot ko lang magluto. Oo nga't hotel and restaurant management ang natapos ko sa college pero more on desserts kasi ako, not on the hot kitchen.



"Ayan bumitaw na ako Choi" sabay taas ng dalawa kong kamay na parang pasuko.



"Nagseselos ako" pabulong niyang sinabi pero narinig ko naman. Napapasmile tuloy ako.



"Ano? Di ko narinig eh"



"Nagseselos ako" ulit niya pero kunwari ay di ko pa rin naririnig.



"Ano?"



"Alam mo ikaw. Maglinis-linis ka naman ng tenga mo nang hindi ka nabibingi ha" sabay pisil sa ilong ko, "Nagseselos ako sabi ko" at mas nilakasan niya ang boses niya sa pagsabi nito.



"Bakit ka nagseselos?" now ay niloloko ko na lang siya. Ang cute cute niya kasi pag nagseselos. Parang batang inagawan ng lollipop.



"Kasi po, mahal kita Ken Chan, kaya pwede ba wag ka nang dumikit sa...."



Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at sinunggaban ko na ang labi niya. Napaatras siya sa ginawa ko.



"Ano yun? Peace offering?"



"Hindi" umiling ako, "My expression of love sa one and only laman ng puso ko"



Nakikita kong natatawa na ito kahit nakayuko while chopping the tomatoes.



"Ikaw talaga Ken Chan, nagiging conyo ka talaga pag kinikilig ka eh"



"Sayo lang ako ganito noh. Sayo lang lalandi"



"Alam mo kesa sa pakiligin mo ako diyan, tulungan mo na lang ako dito, pwede?"



Agad naman ulit akong tumungo sa likod niya para yakapin siya at halikan sa cheeks.



"I love you Mahal"



"Mas mahal kita Mahal"



"Teka, malalaglag na yata yung panty ko sayo. Tuma-Tyler ka na diyan"



"Well okay lang. Sasaluhin ko"



"Yuck baboy mo talaga kahit kailan!"  sabay tulak sa akin ng kaunti. Ganito lang kami kapag off cam dahil hindi pa namin talaga nasasabi publicly yung kung anong meron kami. It's Rita's choice and I respect her for that.















Rita's POV



Swerte-swerte ko talaga na nakilala ko itong lalaking ito at ako yung pinili niyang mahalin.



Filming LoveWhere stories live. Discover now