Garrote

3 0 0
                                        

Malamig at maulan na panahon ang kasabay ng walong magkakaibigan papunta sa kanilang pagbabakasyunan. Ang lahat ay mahimbing na natutulog maliban sa nagmamanehong si Evan, nakangiti niyang pinagmasdan mula sa rearview mirror ang kanyang mga kasama. Ala- sais ng umaga ng sila'y makarating sa isang may kalumaang mansiyon, lahat sila'y namangha sa angking ganda ng bahay kahit may kalumaan na, kanila naman nang kinuha ang mga gamit at nagulat ang lahat ng biglang sumulpot sa kung saan ang isang matandang lalaki na base sa itsura ay nasa 60's na.

"Magandang umaga sa inyo mga hijo at hija, halika na kayo't magsipasok na sa loob, nakahanda na ang inyong umagahan," masayang sabi nito sa kanila, na sinundan naman nila.

"Dude, this house looks creepy but beautiful, I'll gonna enjoy this vacation," ani Ethan kay Evan, na parehong nagpahuli dahil sa mga dalang gamit. Kibit- balikat lang at ngiti ang sagot sa kanya ni Evan, tsaka sumunod na sila sa mga kasamahan.

Nagtataka ang lahat kung bakit parang mag- isa ang matanda sa bahay, 'di na nakatiis si Ylle kaya tinanong niya ang matanda kahit medyo kinakabahan siya.

"Sa totoo lang hija, may kasama pa ko dito, 'di ko lang alam kung saan nagpunta iyon," nakangiting sagot sa kanya ng matanda, at iginiya naman na sila nito sa kusina pagkatapos nilang ilagay muna ang kanilang mga gamit sa sofa.

"Wow! Ang dami at mukhang masarap ang mga ito!" Natatakam na sabi ni Cedric at umikot sa mesa tsaka umupo at nagtawag, "Tara na! Kain na tayo!"

Naiiling naman na umupo si Jassy, "Kahit kailan ka talaga Ced," sumunod naman na ang iba.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta na sila sa kanilang kwarto na sinabi ng matanda, ayon sa matanda tig- dalawa daw ang dapat sa isang kwarto. Ang mga babae ay nasa kanan at katapat naman ng kanilang kwarto ang sa mga lalaki.

"Maging masaya sana ang inyong pagbabakasyon dito mga bata," nakangiting paalam sa kanila ng matanda. Akmang papasok na sana ang lahat nang magsalita si Arella dahilan para mapahinto ang lahat.

"Guys, parang may mali, 'di niyo ba na-fe-feel?" Tinignan nila si Arella nang may nagtatakang mukha.

"Arella please, not now, I want to enjoy this vacation ng tayo- tayo lang," ani Xandra na alam kung anong ibig sabihin ni Arella.

"Yeah, Xandra's right, let's enjoy this vacation Arella, enough to your scary imaginations," sambit naman ni Cedric.

Napabuntong hininga nalang si Arella sa sinabi ng kaibigan, tsaka sila tuluyang pumasok sa kanya- kanyang kwarto. Naiwan sila ni Jassy, pero iniwan din siya nito. Susunod na rin sana siya kay Jassy nang may narinig siyang nag-uusap sa baba. Nakinig siya sa usapan nito at nagtataka sa mga narinig, "Sino ba uunahin? Anong oras ba gagawin?"

"Mamayang gabi, pag- sapit ng alas dose, bahala na kung sino uunahin, basta ayusin mo ang mga gagamitin at yung inutos ko sayo," bahagya niyang sinilip ang nag-uusap at laking gulat niya kung sino iyon. Mabilis niyang tinungo ang kwarto at kinakabahang pumasok.

Hindi namalayan ni Arella na may nahulog sa kanya, kaya naman napansin siya ng dalawang lalaki. Tinanguan ng lalaki ang kanyang katabi na wari'y alam na ang ibig sabihin.

Alas- sais ng gabi nang magtipon- tipon muli ang magkakaibigan sa baba, ngunit napansin ni Josh na wala si Arella, kaya tinanong nito ang kasama sa kwarto na si Jassy. Ang sagot ng dalaga, ay kanina pa daw niya ito 'di makausap ng maayos at parang takot na takot. Sumabat ang dalagang si Xandra, sinabi niya na baka dala daw iyon ng kapapanood ng mga horror ng dalaga, natatawa pa siya sa kanyang sinabi pero tinaasan lamang siya ni Josh ng kilay kaya napatigil siya. Umakyat si Jassy upang sunduin ang kaibigan sa kwarto, nagulat ang lahat ng sumigaw ang kanilang kaibigan, dali- dali silang sumunod dito. Nagimbal ang lahat sa kanilang nakita, si Arella ay wala nang buhay, at patuloy ang pag dugo ng leeg nito. Naiyak ang tatlong babae habang ang tatlong lalaki ay inaawat si Josh sa pagsuntok nito sa pader. 'Di na kayang makita ni Jassy ang kaibigan kaya lumabas siya ng kwarto, agad naman siyang sinundan ni Cedric, ngunit pag labas ng lalaki sa kwarto ay wala ang dalaga. Bumaba siya upang hanapin ito ngunit wala parin, ni sagot wala. Naramdaman na nalang niya na may wire na nakapalibot sa leeg niya. Hindi niya alam kung paano ito napunta sa leeg niya pero pahigpit ng pahigpit ito.

"Farewell bro," sabi ng lalaki na nasa likod niya, kilala niya kung kaninong boses ito, ngunit bago pa siya magsalita ay nalagutan na siya.

Si Ethan ay napamura sa wala naring buhay na si Cedric, ang kanyang mga natitirang kaibigan ay agad na tinungo siya. Halos 'di makapaniwala si Ylle at Xandra sa nakita, ang kaibigan nilang si Evan ay biglang naglaho na parang bula.

"Ano na ang gagawin natin?! Si Arella at Ced patay na! Si Jassy naman nawawala ganoon din si Evan! Ano na?!" Natatarantang sabi ni Xandra, inalo naman siya ni Ylle.

"Relax Ylle, mahahanap din natin sila," kalmadong ani ni Ethan.

"Fuck! Relax?! Seryoso Ethan? Sa sitwasyon na ito?" Sigaw ni Josh kay Ethan. Akmang susuntukin na ni Josh si Ethan ng pumagitna si Xandra.

"Pwede ba? Tigila-, " magsasalita pa lamang si Xandra ng maagaw ng atensiyon nila ang bagay na gumugulong sa hagdan, hindi, 'di ito bagay, dahil tao ito. At ito ay si...

"JASSY!" Sigaw nilang lahat. Paulit- ulit na nagmura si Josh.

"Utang na loob! Kung sino ka man na nandito sa pisteng bulok na bahay na 'to! Tumigil kana!" Naiiyak na sigaw ni Xandra, habang yakap- yakap ang bangkay ni Jassy.

Isang malakas na sigaw ang sumagot sa kanya, ang boses na 'yon, kakaiba, parang isang demonyo. "Bakit naman ako titigil?" Kasabay nito ang pagpatay ng mga ilaw, "E, nandito na kayo?" Tumawa ulit ito na parang isang baliw.

"Hayop ka! Kung sino ka man!" Sigaw ni Josh. "Wala kang puso!"

"Demonyo ka!" Sigaw din ni Ethan. Ang mala demonyong tawa lang nito ang sinagot sa kanila. Tsaka nag sindi ulit ang mga ilaw, ngunit wala na si Ylle. "Shit!"

"Ylle!" Paulit- ulit nilang sigaw habang nagsama- samang naghahaluhog sa buong bahay. Sa huling sigaw nila, silang tatlo ay nawalan ng malay.

Nagising sila na nasa upuan na at may nakakabit na bakal sa kanilang magkabilaang braso pati sa leeg. Nagpupumiglas sila, sinusubukan ang lahat para maka alis pero mukhang malabo. Si Xandra ang nasa gitna, nasa kanan niya si Josh, na mukhang wala nang malay, at si Ethan sa kaliwa. Biglang lumitaw sa kung saan ang isang lalaki, na may hawak na wire. Nanlaki ang mga mata ni Xandra at ni Ethan, ang lalaking ito ay si...

"Evan?!" Halos pabulong nilang sabi.

"Hellcome, my dearest friends, oras na para sa kamatayan niyo!," sabay ngiti ng nakakaloko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GarroteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon