Aba ang bakla, pormang porma. Hinawakan nya ako sa kamay bago kami sumakay sa sasakyan nya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Paano ko ba sya nagagawang kausapin ng harapan at matagal? Gayong may nangyari pa kanina sa gmeet, nalaman nyang sya ang naka pin sa screen ko.

"Sa Tagaytay. Mag dedate tayo." Vice.

Kikiligin na sana ako at hahampasin ko sya sa braso kung hindi lang nya binanggit ang salitang C h a r o t.

"Siraulo ka talaga." Sabi ko sa kanya na may kasamang irap.

Rinig ko na naman ang tawa nya. Hay nako vice, bakit ba ikaw naging crush ko? Alam ko namang walang patutunguhan to dahil hindi mo naman ako gusto.

Pero kahit ganon, kinikilig pa rin ako pag dating sayo.

Pagkadating namin sa Tagaytay, sumakay kami sa mga rides. Nilibre nya rin ako ng mga pagkain na gusto ko. But most of all, matcha ice cream is the best for me.

For five months naming magkaklase, nakilala na namin ang isa't isa. Hindi lang naman kaming dalawa, yung iba rin naming mga kaibigan. Nagkaayaan nga kaming magkakaibigan na mag movie marathon sa bahay nung minsan. Masaya silang kasama.

Lalo na kung may vice na ganito kasaya kausap.

"Tuloy ang acquaintance party natin ah." sabi nya sakin habang kumakain sya ng cookies and cream flavored ice cream.

Nandito kami ngayon sa damuhan na nakaupo. Naka sandal ako sa kanya habang tumatango ako.

"Hindi lant naman virtual yon. Face to face classes na tayo next week. Araw araw mo ng makikita ang pogi kong mukha." Vice.

Hinarap ko sya bago ko pa-singkitin ang aking mga mata.

"Bakla ka ba talaga?" tanong ko.

"Yes girl, pagkalabas ko pa lang alam ko ng may rainbow akong lahi."

Pinisil ko ang kanyang pisngi bago ko pang gigilan. "Kasi ang pogi mo! Nakakainis ka! Bakit ba ikaw crush kooo??"

Tumawa lang sya sakin bago nya hawakan ang kamay ko. "Ma fall ka lang saken, kulot ha? Bet ko naman. Sabay tayong mahulog sa isa't isa ha?"

Natigilan ako sa sinabi nya. Napatitig pang ako sa kanya, habang sya tumatawa dahil sakin. Hinawakan nya ako sa mukha. Akala ko naman hahalikan nya ako sa labi.

Hinalikan nya ako sa noo ko.


After that night, di pa kami muling nagkasama ni vice. Masyado kaming naging busy. Nakakapag usap lang kami through call  kasama mga kaibigan namin. Pero kadalasan, iniiwan nila kaming lahat kaya in the end kaming dalawa lang magkausap.

Sabay kami minsan nag rereview o kaya naman nag sasagot ng seatwork namin.

At heto na, face to face classes na nga. Kahit naka mask sya, ang gwapo pa rin ng bakla.

Lumapit sya sakin habang ako nakatulala na naman. Ano ba ginagawa nya sakin? Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Tinanggal nya ang kanyang mask.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now