Chapter 35: Finale & GOOD NEWS

Start from the beginning
                                    

Si Julia, hindi man ganun katagal ang pagsasama namin gaya ng kay Andrea, masasabi kong, naging espesyal at isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko.

Siya kasi ung kaibigan, na kahit gano kayo magkalayo ay hinding-hindi ka makakalimutan.

Si Ashley, ang maganda kong kaibigan (ay purihin ba naman ang sarili) Siya ung akala ko, feeling close at makikichismis lang samin dati ni Gino ay naging isang tunay at tapat na kaibigan. Siya yung karamay ko nung feeling ko mag-isa na lang ako.

Yung tinanggap ako sa kabila ng imperfections ko.

Si Vlad, na wala naman dapat kinalaman, ay nakasali na dahil naging asawa ni Ashley. Just kidding.

Si Vlad, sa kanya ko natutunan na, basta mahal mo, kaya mong hintayin at hinding-hindi ka magsasawa na ipakita sakanya kung gaano mo siya kamahal.

Si Kats, Sed at Les, sila yung tatlong ugok at itlog na naging kaibigan ko at katulong nung buntis pa ko. Hanggang ngayong may dalawa na kong anak, ayun, lagi pa ding bumibwisita, I mean bumibisita kapag may oras.

Si Mama. Sa lahat ng dapat pasalamatan ko, siya ang pangalawa, sunod syempre kay God. Siya yung inintindi ung kasalanan ko. Siya ung tatanggapin ako kahit anong kasalanan pa ang magawa ko. Siya yung hinding-hindi ako iiwan kahit gano ko pa siya masaktan. Siya yung bumuhay sakin. Siya ung mahal na mahal kong nanay.

Hindi man siya perpekto pero para sakin, siya ang pinaka dabest na nanay sa buong mundo.

Si Gino. Sunod kay Kiko, siya ang isa pang lalaking hinayaang kong pumasok sa buhay at puso ko.  Siya na pinaramdam kung gano ako kaespesyal na babae. Kahit hindi maganda ang simula namin, naging maganda naman ang huli. Well, hindi pa naman ito ang huli at alam ko na ang marami pang mangyayari sa susunod na araw, buwan at taon na dadaan pero alam kong kung ano man ang mangyari, ay mas lalo lang patatatagin ang relasyon naming dalawa.

Hindi naman kami perpektong pamilya, pero ang alam namin ay kami lang ang kukumpleto sa isa't-isa. 

Gaya ko, lahat tayo may pagkakamali, pero it's up to us kung hahayaan ba nating sirain tayo nito o mas lalo pang pagtibayin. Lahat tayo ay hindi perpekto, pero darating ang taong kukumpleto sa atin. Lahat tayo ay masasaktan, pero hindi natin dapat ito hayaan na sirain at wasakin ang pagkatao natin. 

Lahat tayo, ay makakahanap ng taong hindi tayo huhusgahan at magmamahal satin ng tunay at tapat. Pero wag nating isa-isip at isa-puso na hindi nila tayo sasaktan dahil lahat tayo ay nagkakamali, dapat lang ay matuto tayong magpatawad. 

Hindi man ito puno ng aral, marami namang pwedeng matutunan. Sana ay nag-enjoy kayo sa pagbabasa ng storya namin.

THE END. 

----------------------------------------------------------

Just kiddo. 

Finale na nga ito pero hindi pa ito ang pagtatapos ng storya namin.

Marami pa kaming pagdadaanan at gusto ko ay maging saksi kayo.

Kaya kahit finale na nga ito.........................................

Mag-uupdate pa din ako!

SPECIAL UPDATE NA NGA LANG. 

SOON.... :)

OURS [Hala Ka!? Book 2]Where stories live. Discover now